Liham ng Pamamaalam

424 1 1
                                    

LIHAM NG PAMAMAALAM
SPOKEN WORDS BY: JAYE KNIGHT

Mahal ko, matapos ang mahabang panahon.
Napagtanto ko ngayon
Na mas mabuti pang kalimutan na ang kahapon
Mas mabuti siguro na tumahak tayo ng magkaibang landas.
Dahil baka sa paraang iyon ay mas lalo tayong lumakas.

Minsan na akong naging makasarili
At isa 'yon sa mga dahilan kung bakit ngayon ako'y nagsisisi.
Hindi na dapat ako umamin sa'yo
Kung ito lang naman pala ang kahahantungan ko.

Wag kang mag-alala, pinapalaya na kita.
Hindi na ako kakapit pa
Dahil kahit ano namang higpit ng kapit ko,
Kung sa simula pa lang hindi ka na masaya?

Ano pa ba ang laban ko?
Ano pa ba ang dahilan ko?
Kung ang tanging nakalagay sa listahan ng aking pagpipilian ay ang sumuko?

Ayaw sana kitang sukuan,
Ngunit pakiramdam ko'y madalas mo akong iwasan.

Hindi naman siguro masama na ako ay magsawa?
Hindi naman siguro mali na sa pagkakataong 'to
Pakinggan ko naman ngayon ang isip ko
Masyado na kasi akong nagpapauto kay puso.

Oo nga pala, bago ako magpaalam,
Sana naman patawarin mo ako.

Patawarin mo ako sa mga panahong nag-aalala ako para sa'yo.

Patawarin mo ako sa mga pagkakataong ikaw lang ang laman ng isipan ko.

Patawarin ko ako sa pantasya kong darating ang araw na sasaya ka sa piling ko.

Patawarin mo ako kung hindi ako kasing gwapo, macho, at talino ng lalaki ng panaginip mo.

Patawarin mo ako, sapagkat nagmahal lang naman ako.

'Yun nga lang... sa maling tao.

PETALS & PAGES: A Spoken Word Poetry CollectionWhere stories live. Discover now