Ang Huling Piyesa

11.5K 60 17
                                    

ANG HULING PIYESA
SPOKEN WORDS BY: JAYE KNIGHT

Paulit ulit ko nang sinabi sa aking sarili na hindi na kita mahal.
Ilang araw, ilang linggo, ilang buwan... iyon ang aking pinaniniwalaan.

Hanggang sa isang araw, naisip ko..
"Siguro naman ayos na ako?"
"Baka pwede nang muli ay mag-usap tayo?"
At dahil sa aking akala, agad kitang kinausap.
Binati kita nang para bang sa ating dalawa ay walang naganap.

Agad kitang kinamusta.
Lahat ng paraan ay ginawa ko na, para lang pag-uusap natin ay humaba pa.

Pero bakit ganoon?
Bakit pakiramdam ko ay muli akong sumaya?
Kahit na alam ko naman sa sarili ko na ako'y masaya naman na talaga, kahit pa ang salitang "tayo" ay wala na .

Bakit noong matapos kitang kausapin ay pakiramdam ko may kulang na sa akin?
Bakit pakiramdam ko ngayon ay puno ng panghihinayang, kahit alam ko namang hindi na dapat pa?

Bakit hinahanap hanap pa rin kita?
Bakit gabi-gabi nalang ay nasa isip ka?
Gabi-gabi nalang ay napapanaginipan ka.

Hindi ko alam kung anong problema pero pucha naman, alas-dos na ng madaling araw iniisip pa rin kita!

Muling bumalik ang mga pangarap ko para sa ating dalawa.
Muling bumalik ang mga plano ko sa araw ng ating pagkikita.
Muling bumalik ang sakit, ang sakit na kahit araw-araw ko pang madama... wala akong paki, basta galing sa'yo ay ayos lang.

Ayos lang... kasi kahit anong gawin kong pag kumbinsi sa sarili ko na wala talaga, niloloko ko lang ang sarili ko dahil ang totoo.... ang totoo ay mahal pa rin kita.

Oo mahal pa rin kita!
Mahal na mahal pa rin kita.

Ikaw pa rin ang dahilan ko kung bakit ako sumasaya.
Ikaw pa rin ang inspirasyon kong mabuhay at bumangon tuwing umaga.
Ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ko, dahil kahit anong gawin ko... ikaw pa rin ang nawawalang piyesa sa puso kong makina.
Makina na hindi aandar at gagana kung wala ka.

Kaya sana... sana muli mo akong pagbigyan.
Sana muli nating ituloy ang nakaraan.
Ang ating nakaraan na sa akin ay nagpasaya.
Ang ating nakaraan na hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang balikan.
Ang ating nakaraan na meron ding tampuhan...

Pero kahit na, dahil lahat ng iyon sa akin ay mahalaga.
Lahat ng pinagsamahan ay aking tinuturing na kayamanan.
Kayamanan na kahit kailan, hindi ko kayang ibaon at kalimutan.

Pero kung ayaw mo nang balikan pa ang nakaraan.
Kung matindi ang sugat na dinulot nito sa'yo at gusto mo nang kalimutan.
Ayos lang... ayos lang sa akin.

Ayos lang sa akin na kalimutan ang nakaraan...
Pero sana pagbigyan mo ako na gumawa ng panibagong kabanata ng ating storya.
Kung saan bawat pahina nito ay pupunuin natin ng mas masaya pang ala-ala.

Mga ala-alang babaunin natin hanggang sa tayo ay tumanda na.
Mga ala-alang ikekwento pa natin sa mga magiging apo nating dalawa.
Ikekwento natin sa kanila kung paano nanaig ang pag-ibig sa sariling pagdududa.

Sana... sana talaga.
Sana may pagkakataon pa akong itama ang lahat.
Ako mismo ang magtatanggal at papasan ng lahat ng nararamdaman mong bigat.

Handa ako..
Handa akong muling matuto.
At sa pagkakataong ito, sisiguraduhin kong hindi na ako susuko.

Ipaglalaban kita. Kahit kanino pa.
Kahit sino pa ang humadlang, sisiguraduhin kong hindi sila lalamang.
Yayakapin kita ng mahigpit at itatago sa lilim ng aking mga bisig.

Tititigan kita at ipapadama ko sa'yo gamit ang aking mga mata... kung gaano ka kahalaga.

Mahal na mahal pa rin pala kita.
Sana bigyan mo ako ng isa pang tsansa,
Upang patunayan ko sa'yo...
Na ikaw lang, wala nang iba.

Mahal ko, hindi ako magsasawa na sabihin sa'yo...
Ikaw ang buhay ko.
Ikaw ang pangarap ko.
At ikaw ang huling piraso na bubuo sa kahariang matagal nang nakatago.

PETALS & PAGES: A Spoken Word Poetry CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon