Prologue

73.3K 2.2K 294
                                    

Ang pag-ibig ay sadyang makapangyarihan, hindi mo alam kung kailan ka tatamaan. Palaso ni Kupido sa puso'y tumarak man, huwag pigilan, ito'y hayaan. Ang dalawang pusong nagmamahalan, kayamanan sa mga magkasintahan.

Kasakiman sa kapangyarihan, dulot ay kapalaluan. Kalaban ay susunggaban, lilipunin ang sinumang humadlang. Mamamayani ang kasakiman, sa mga taong walang pakundangan. Kahit hindi kaniya'y paghaharian.

Kaparusahan ang kapalit, sa mga taong puno ng galit. Poot na nagngingitngit, nawa'y mapalitan ng malasakit. Puso'y maaakit, sa mga mabubulaklak na salitang binabanggit. Kaya maging malimit, sa mga salitang ginagamit.

Kapwa'y mahalin, huwag maliitin, huwag inggitin. Bagkus, ito'y marapat na galangin. Kahit saan ka man dalhin, huwag sanang maging mahangin. Maging mataimtim, kaligtasa'y hilingin.

Matutong makuntento, sa kung ano ang natamo. Huwag maghuramentado, kung kalaba'y nanalo. Tanggapin ang pagkatalo, maging kalmado. Baunin ang respeto, kapag ika'y humayo.

Hindi pa tapos ang laban, tumayo ka't manindigan. Huwag masipayo sa pinagdaanan, tumindig kung kinakailangan. Hindi dapat mamayani ang kasamaan kahit pa lukubin ka man ng kadiliman.

Might of Alibata (Published)Where stories live. Discover now