Chapter 43

22.1K 803 88
                                    

Morixette's POV


Habang nasa biyahe kami patungo sa bahay nila Jerwel, patuloy pa rin akong inaalo ni Ate Ginny. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman dahil sa nagkahahalo na ang mga ito.


Nalulungkot ako dahil wala na si Jerico, ang taong nagparamdam sa akin na importante ako. 'Yung taong hindi ako iniwan kahit na hindi ko siya pinili. 'Yung taong nasasandalan ko sa tuwing nasasaktan ako. Ang nagpapasaya sa akin sa tuwing nalulungkot o nasasaktan ako.


Hindi ko man lang siya nagawang iligtas kay Helga. Naging parte rin naman siya ng buhay ko kaya mamimiss ko siya. Ang tanga ko talaga, nagi-guilty tuloy ako. Ano ba ang dapat kong gawin para mailigtas ang mga binibiktima ng tatlong maria?


May kapangyarihan sila, ako... wala. Nag-eeffort naman akong gawin ang makakaya kong gawin pero hindi iyon sapat. Ilang buhay pa ba ang masasayang nang dahil sa akin? Ilan pa ang magsasakripisyo? Sana, hindi na lang ako ang itinalaga sa misyong ito. Ayoko na, hindi ko na yata kaya...


Nakasandig ang aking ulo sa may balikat ni Ate Ginny habang hinahaplos niya ang buhok ko. Nahihiya akong sabihin sa kanila kung anuman ang laman ng aking isipan. Sila, nakatindig pa rin kahit na maraming problema. Batid kong hindi sila nawawalan ng pag-asa at pilit pa ring lumalaban at lalaban kahit anuman ang mangyari.


Si Jerwel, kahit nabiktima siya noon ng kanilang yaya nang dahil sa ABaKaDa ay pilit pa ring namumuhay nang payak kahit wala na ang isa niyang tainga.


Si Ate Arianne, bakas sa kaniyang mga mata ang excitement at pagnanais niyang makasamang muli ang kaniyang kapatid. Hindi ko man alam kung ano ang mga pinagdaanan niya, tiyak kong matapang niya itong kinaharap.


Si Ate Ginny, kahit na mukha siyang sossy at maaarte sa katawan ay busilak pa rin ang kaniyang puso. Hindi siya sasama sa amin kung ayaw niya talaga. Namamayani sa kaniya ang kagustuhan niyang makatulong.


Ako, marami akong problemang pinagdaraanan at lagi na lang tumitimo sa aking isipan na sumuko na lang dahil matatalo at matatalo rin naman ako sa huli. Gusto mang sumuko ng aking isip, isinisigaw naman ng psuo ko na ituloy lang ang laban.


Kagaya no'ng sa ABaKaDa, kahit na maraming buhay na nasayang, nagawa ko pa ring makapagligtas kahit papaano. At sa huli, namayagpag pa rin ang kabutihan kaya nagtagumpay ako. Marami mang gumugulo sa akin para sumuko na, hindi ko pa rin pakakawalan ang pag-asa na mayroon ako kahit kakarampot lang. Laban lang!


---


Nagising ako na nakahiga sa may sofa. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa biyahe sa dami ng aking pinagmumuni-muni. Dahan-dahan akong tumayo sa aking kinahihigan at nagpalinga-linga sa paligid. Nandito ako sa may sala.


Nang aking itungo ang aking paningin sa kabilang direksiyon, nakita ko sa kabilang sofa si Jerwel na mahimbing nang natutulog. Mukhang napagod siya sa mga nangyari.


Nakaramdam naman ako bigla ng pagkauhaw kaya minabuti kong tumungo na muna sa may kusina. Hindi pa ako umaalis sa aking kinauupuan nang mapadako naman ang aking mata sa may wall clock.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon