Chapter 87

17.6K 682 195
                                    

Morixette's POV


Pagkarating namin sa isla, nakaramdam na kaagad ako na para bang may iba sa lugar na 'to. Hindi maganda ang pakiramdam ko dahil tila ba nababalutan ito ng kadiliman.


"Ako na ang bahala rito sa harang, pumasok na kayo kaagad sa loob at gawin ang dapat gawin. Maliwanag ba?" ani Time bago kami magsimula.


"Opo," sagot naming tatlo bago tuluyang magsimula.


Itinaas ni Time ang dalawa niyang kamay at may kapangyarihan siyang ginamit upang makapagbukas ng pansamantalang lagusan doon sa ginawang harang ni Death. Buong lakas ang kailangan niya para mapanatili ang pagkakabukas sa nito.


"Bilisan n'yo sa loob. Mayroon lamang kayong tatlumpung minuto para makuha ang Alphabet sa loob ng mansion," paliwanag ni Time.


"Paano kung hindi kami kaagad nakalabas sa itinakdang oras?" litaniya ni Ate Ginny.


"Hindi na kayo makalalabas pang muli," tugon ni Time.


Nakakakaba man ang susuungin namin, tibay ng loob at katatagan ang higit naming kailangan para magtagumpay. Sa pagkakataong ito, hindi kami dapat magpatalo.


"Pumasok na kayo! Tumatakbo ang oras!" ani Time.


Hindi na kami nangatwiran pa't pumasok na kami kaagad sa loob. At dahil kabisado ni Ate Ginny ang lugar, siya ang nanguna sa amin.


Pagkarating namin malapit sa loob ng mansion, dalawang dipa mula sa kinatatayuan namin, mayroong nakaharang sa aming daraanan na tila ba mga bantay. Napaurong kaming tatlo dahil limang kalansay na may hawak na espada ang makaksagupa namin.


Wala akong karanasan sa pakipagtagisan gamit ang sandata kaya wala akong laban sa mga kalansay na 'to. Batid kong gano'n din si Ate Ginny kaya si Kuya Mark ang pag-asa namin ngayon.


"Ako na ang bahala rito," giit ni Kuya Mark. Pinalayo niya kami nang kaunti sa kaniya. Ngayon, may hawak siya na tila ba maliit na bola.


"Bam!" sambit niya. Nanlaki sa gulat ang mga mata namin ni Ate Ginny dahil nagpalit ng anyo si Kuya Mark. Na-astigan ako sa porma niya ngayon lalo pa't may hawak siyang sandata.


Pinanood lang namin ni Ate Ginny kung paano makipaglaban si Kuya Mark at sa kung paano niya talunin ang mga kalansay hanggang sa magkalasug-lasog ang mga 'to. Natalo niya ang limang kalansay na nakaharang sa aming daraanan kaya binagtas muli namin ang daan hanggang sa makarating kami sa bukana ng mansion. Napabilib ako sa galing ni Kuya Mark na makipaglaban. Napaisip tuloy akong bigla, gano'n din kaya sina Ate Roxette?


Nakatayo kami rito sa may entrada nang makarinig kami ng kakaibang tunog na tila ba maingay habang unti-unting lumalapit dito sa amin. Gayon na lamang ang aming pagkagulat dahil papasugod sa amin ang batalyon ng mga kalansay.


"Ginny, kayo na ni Morixette ang pumasok sa loob. Ako na ang bahala sa mga kalaban!" anas ni Kuya Mark. Inihanda niya na ang kaniyang espada para sa pagsugod.

Might of Alibata (Published)Where stories live. Discover now