Chapter 71

17.3K 620 42
                                    

Grace's POV


Pagkarating namin dito, mayroon kaming nadatnan na limang manggagawa. 'Yung dalawa ay nakaupo lang at naninigarilyo habang sa 'di kalayuan naman, 'yung tatlo ay abala sa isang makina na kung saan ay parang gagamitin nila sa pagsasaayos ng daan.


"Paano kayo nakapasok dito?" bungad sa amin ng isa sa lalaking naninigarilyo. Sa tantiya ko, mga nasa tatlumpu pataas na ang edad nito.


"Umalis na kayo, bawal kayo rito," sambit naman no'ng isa pa. Halos pareho lang yata ang edad nila. Ang pinagkaiba lang, malaki ang tiyan nito.


"Kuya, tulong! Iligtas n'yo kami..." pagsusumamo ko.


Nakatakip ang kamay ni Xiara sa bibig ni Hannah kaya hindi siya umaalma. Si Xiara at Ethel ay kampante lang at dedma sa dalawang lalaki.


"Miss, hindi kami nakikipaglokohan. Wala kaming oras sa ganiyang bagay," tugon ng lalaking unang nagsalita kanina.


"Kung ako sa inyo, aalis na ako rito. Hindi n'yo alam kung ano ang kaya naming gawin," pagsingit ni Xiara.


"Hindi kami p'wedeng umalis dito sapagkat hindi pa kami tapos sa aming trabaho. Wala kaming pakialam kung ano ang kaya ninyong gawin," tugon nito.


"Kaya mga Ineng, umalis na kayo," segunda ng malaki ang tiyan.


Itinaas ni Ethel ang kaniyang kamay at itinutok sa dalawang lalaki. Napakunot ng noo ang mga ito dahil nagugulumihanan sila sa kung ano ang ginagawa ni Ethel.


"Quento eskriba manombra!" usal ni Ethel. May lumalabas na usok na kulay puti sa kamay niya at ito'y patungo sa dalawang lalaki. Pumaikot ito sa paanan ng dalawa papaakyat sa kanilang ulo.


"Ano 'to?! Bakit hindi ako makagalaw?!" giit ng malaki ang tiyan.


"Pakawalan n'yo kami! Ahh!" sigaw naman ng isa.


"Pasensiya na, panandalian lang naman iyan. Babalik din kayo sa dati makalipas ang isang oras..." pahayag ni Ethel. Tila ba natuod na ang dalawang lalaki at nanigas sa kanilang kinaroroonan. Para silang manikin...


Napahagalpak ng tawa si Ethel at Xiara nang dahil doon. Si Hannah naman, walang kibo. Parang wala talaga siyang pakialam sa mga nangyayari, nakakainis. Sinamantala ko naman ang oras na ito upang igala ang aking paningin para makaisip ng paraan kung paano makakatakas dito.


"Mga p're, kanina pa kami naghihintay. Bakit ang tagal n-n'yo?" nautal sa bandang dulo ang isang lalaki na lumapit sa amin para tawagin ang kanilang kasamahan. Malamang ay nagulat ito dahil sa sinapit ng dalawang kasama.


"Gusto mo rin bang magaya sa kanila?" tanong ni Xiara.


"Ano ang ginawa n'yo sa kanila? Mga halimaw!" saad ng lalaki.


"Mga kasama, tulong!" sigaw nito. Napaupo ito sa sahig nang lapitan siya ni Ethel.

Might of Alibata (Published)Where stories live. Discover now