Chapter Two

526K 14.2K 7.4K
                                    

SASKIA

Malamig na hangin ang humaplos sa katawan ko at gumising sa akin. Hinatak ko ang kumot at ipinulupot iyon sa katawan ko. Kahit nakakumot na ako parang tumatagos pa rin ang lamig sa kumot na iyon. Ber month na kasi ngayon kaya siguro nagsisimula na lumamig.

"Yuka, hinaan mo naman yung electric fan." Inaantok pa rin na sabi ko. Nang wala akong marinig na sagot mula sa kanya ay pilit kong idinilat ang mabigat na talukap ng mga mata ko.

Wala ako sa kwarto namin ng kapatid ko. Hindi naman ganito kalambot ang kama namin. Wala kaming flat screen tv sa kwarto, wala kaming aircon, saka hindi naman ganito kalaki at kaganda ang kwarto namin. Napabalikwas ako sa pagkakahiga na para bang may pumitik sa utak ko at mabilis na naintindihan nito ang nangyayari. Nawala agad ang antok ko, ang sakit ng ulo ko at ng katawan ko. Napasinghap ako ng bumaba ang kumot na nakapulupot sa akin sa baywang ko at humantad ang hubad na katawan ko. Itinaas ko ulit ang kumot at itinakip sa katawan ko.

Naramdaman ko ang pag-alon ng kama mula sa tabi ko. Hindi ako nag-iisa sa kamang ito. Parang bumilis ang tibok ng puso ko, parang gusto nitong malaglag sa talampakan ko. Dahan-dahan kong pinihit ang ulo ko sa tabi ko at doon ko nalaman na tama nga ang iniisip ko.

Nakaharap ang matipunong likod niya sa akin at ang mga mala-gintong hibla ng buhok niya. Siya! Siya yung lalaki sa party kung saan ako sumayaw kagabi. Tumaas-baba ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Napuno ng luha ang mga mata ko hanggang sa mahilam na ako. Niyakap ko ang mga hita ko at napaiyak na ako, hindi ko na napigilan mapahagulgol.

"The hell?" Muli kong narinig ang pamilyar na boses na iyon. Nag-angat ako ng tingin at nakita siyang nakaupo sa tabi ko at nakatitig sa akin. Nanlaki ang mga mata niya na para bang gulat na gulat ito.

"What are you doing here? Did we... Shit!" Sinuklay niya ang mga daliri niya sa buhok niya at sinabunutan ang sarili bago sunod sunod na umiling. "No, no... this can't possibly be!"

Lalong napalakas ang hagulgol ko at isinubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko.

"Hey, shh... stop crying." Pag-aalo niya sa akin. Humaplos ang kamay niya sa balikat ko at umigtad ako palayo sa hawak niya.

"Don't touch me not!" Galit na sigaw ko habang umiiyak.

"Miss, please, stop crying... Someone might hear you." Natatarantang sabi niya. Muli niya akong hinawakan ng hindi ako tumigil sa pag-iyak. Sinuntok ko siya sa mukha at gulat na napatingin siya sa akin habang sapo ang panga.

"I'm tell you no, you do, now look at!" Humihikbing sabi ko.

"You're crazy." He shook his head.

"Fuck you! What you do to me ha?"

"What did I do? You mean, what did we do? Don't make it seem like I forced myself on you." May bahid na inis na sabi niya. "Pareho natin ginusto 'to!"

"Nagtatagalog ka pala! Pinahirapan mo pa ko, pakshet ka." Suminghot ako at marahas na pinahid ang mga luha ko. "Hayop ka, pag nalaman 'to ng Nanay ko ipapapatay ka niya sa mga adik na kapitbahay namin."

"Baka mauna pa akong ipapatay ng fiancee ko kapag nalaman niya 'to. God, what have I gotten myself into?" Bumagsak ang mukha niya. "This was a mistake, Miss. We were both drunk last night. I'm sorry..."

"Ganun na lang yon? Pagkatapos ng nangyari? Sorry? Mababalik ba ng sorry mo ang virginity ko?"

"You were a virgin?" Kumot ang noo niya.

"Oo! I'm virgin from head, shoulder, knee and toes. Tapos mawawala lang ng ganon-ganon?"

"But you're a stripper..." Mahinang sabi niya.

Lipstick LullabyWhere stories live. Discover now