SASKIA
Binuksan ko ang pinto at nakita si Migs na nakatayo sa harap ko. Yakap niya ang sarili niya, basang-basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapitan. Kumakapit ang basang tela ng damit niya sa katawan niya at lalong nakikita ang hubog nito.
"Migs..." Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga at napakurap. "A—anong ginagawa mo dito? Akala ko nakauwi ka na."
"A bunch of men broke into my car and took my car's tires. They took my laptop, my phone, just about everything valuable." He said. "Pwede bang pumasok muna? It's cold out here."
"Tuloy ka." Niluwagan ko ang pinto at pagkapasok niya ay sinara ko ang pinto. "Paano yan? Paano yung kotse mo? Kung hindi lang malakas ulan, pupuntahan ko si kapitan. Baka makatulong sa atin yun. Bakit mo naman kasi iniiwan kung saan-saan yung kotse mo? Saan sinabi mo man lang sa akin. Eh marami talagang tarantado dito."
"I didn't know. Anyway, I just need to make a call. Ipapa-tow ko na lang ang kotse ko at magpapasundo na lang ako kay Coco." Kinuskos niya ang mga kamay niya sa braso niya na para bang naghahanap ng init.
"Baka magkasakit ka pa." Sabi ko at lumingon kay Yuka na abala sa game sa iPhone niya. "Yuka, kuhunan mo nga ng tuwalya ang kuya Migs mo."
Tumayo si Yuka mula sa sofa at pumunta sa kwarto. Pagbalik ay may dala na itong tuwalya.
"O, ate!" Abot niya sa akin at bumalik ulit siya sa kakadutdot sa iPhone niya.
"Ito na yung tuwalya." Inabot ko ito sa kanya. Hinubad niya ang basang pang-itaas niya at wala sa sariling napabuntong-hininga ako sa magandang tanawin sa harap ko. Hayop! Nagmumurang muscles niya ang tumambad sa akin. Yan ba talaga ang nakabuntis sa akin?
"Thanks." Sabi niya habang pinupunasan ang sarili niya at ibinalot ang tuwalya sa katawan. "May phone ba kayo?"
"Nako wala kaming landline pero may cellphone ako." Dinukot ko ang MyPhone ko at ibinigay sa kanya.
"Thanks." Kinuha niya sa akin iyon at pumindot ng mga numero. Inilapit niya sa tainga niya iyon at maya-maya ay inilayo din. "I can't make a call."
"Wala na yatang load. Hanggang text na lang yata yan." Ani ko at lumingon kay Yuka. "Meron ka pa bang load?"
"Wala na. Hindi ba nga dapat magpapaload ako kanina, ate? Kaso biglang umulan." Sabi niya.
"It's fine. I'll just text my brother and hope he replies." Sabi niya at muling nagpipindot. Pagkatapos niya magtext inabot sa akin ang cellphone ko. "Thanks, Saskia. He'll be calling anytime soon... I hope."
"Gusto mong kape?"
"I'm good." Ngumiti siya at nilibot ang tingin sa bahay namin. "Ang dami niyong timba."
"Ganito talaga pagmaulan. Tumatagas kasi yung tubig sa kisame." Sabi ko.
"I see..." Tumango-tango siya.
"Oy, Migs! Ano'ng ginagawa mo dito?" Lumabas si Mammy mula sa kwarto nila ni Cosme.
"Yon! Nanenok ng mga magagaling na tambay yung gulong ng kotse niya saka ninakawan siya." Umiling ako.
"Wala talagang patawad mga tao dito." Umiling na lang si Mammy. "Paano yan? Wala kang kotse, paano ka makakauwi niyan?"
"I contacted my brother. Hinihintay ko pa yung tawag niya." Sagot nito.
"Dito ka na kaya magpalipas ng gabi. Gabi na saka malakas ang ulan. Sigurado ako baha na sa labas, ewan ko na lang kung mapuntahan ka pa ng kapatid mo." Sabi ni Mammy.
Nagkatinginan kami ni Migs.
"If it's not much trouble to you. Mukhang tulog na yata yun." Minasahe niya ang batok niya na parang nahihiya.
YOU ARE READING
Lipstick Lullaby
General FictionMiguel Imperial-Cordova's whole life revolves around perfection. He has the perfect family, the perfect career, a perfect fiancee. Perfection is a part of his regular routine. Every single thing has to be flawless. If it isn't flawless, it's no good...