SASKIA
"Mrs. Cordova?" Narinig ko ang katok mula sa pinto ng klase habang abala ako sa pag-check ng mga assignment ng mga bata habang sila naman ay abala sa pagququiz. Natupad ko na ang pangarap ko at isa na akong guro sa isang pampublikong eskwelahan. Puro grade 3 ang mga estudyante ko at parang mga anak na din ang tingin ko sa bawat isa sa kanila.
Pumihit ang ulo ko sa bukas na pinto ng classroom at nakatayo doon ang asawa ko na may hawak na isang dosenang bulaklak sa kamay. Nakatupi ang manggas ng polo niyang puti at itim na pantalon na inayos ko pa kanina. Nagpakawala ko ng hininga habang nakatingin sa kanya. Ang gwapo pa rin talaga ng asawa ko.
Isang buwan lang nagtagal ang engagement namin at nagpakasal na kami sa simbahin. Pagkatapos ay nag-honeymoon kami sa California, sa bahay nila sa Beverly Hills. Sinolo muna namin ang isang linggong magkasama kami bago pinasunod ni Migs ang kambal, si Mammy, si Ninang at ang dalawang kapatid ko. Tuwang-tuwa nga sila noong nakapunta sila sa Amerika dahil first time namin makalabas ng bansa. Pwera kay Savi at Migs na nakailang beses na nagpunta sa iba't-ibang bansa kasama ang pamilya niya. Tuwang-tuwa si Tintin nang makita ang mga prinsesa sa Disneyland noong dinala kami ni Migs doon at na-experience din namin ang snow nang lumipad kami sa New York noong huling linggo namin sa Amerika.
"Goooood moooorning, Siiiir Miiiigs." Tumayo ang mga ito at magalang na binati si Migs, pinahahaba ang bawat salita. Kilalang-kilala na nila si Migs dahil madalas naman bumisita ito dito. Kapag dinadalhan niya ako ng pagkain dito, happy fiesta naman ang mga bata dahil paniguradong may dala din na pagkain ang asawa ko para sa kanilang lahat. Noong nagbirthday si Savi at Tintin, nagpadala si Migs ng Jollibee sa buong grade 3 at bawat isa sa kanila ay may kiddie meal.
Sa loob ng dalawang taon na pagtatrabaho ko dito ay marami na din na donate si Migs para mapaganda ang eskwelahan. Hindi na naliligo sa sariling mga pawis nila ang bata dahil napalitan na ang mga sirang electric fan at hindi na kinukulang sa bawat klase, mayroon na din mga bagong silya samantalang noong nag-uumpisa pa lang ako ang ibang mga bata minsan kailangan pang umupo sa sahig dahil kung hindi sira ang mga upuan ay nag-aagawan ang bawat classroom. Nakaawa nga noon dahil parang nagtitrip to Jerusalem ang mga ito araw-araw. Naayos din ang mga sirang blackboard at nakapagdonate din siya ng mga bago at updated na libro samantalang dati ay kailangan pang magshara ng 2 hanggang 3 bata sa iisang libro.
Sabi nga ng principal dati daw maraming bata ang umaabsent araw-araw pero simula nang mapagawa ulit ang eskwelahan ay konti na lang ang mga batang umaabsent. Nanggaling din naman ako dito sa public school mula elementarya hanggang highschool. Paano nga naman gaganahan pumasok ang mga bata kung para silang mga de latang isinisiksik sa maliit na classroom at halos hindi kayo makahinga sa init? Paano gaganahan ang mga ito kung kulang sa libro at kulang sa gamit ang paaralan?
"Good morning, kids." Bati niya sa mga ito.
Umupo na ang mga bata at nagpatuloy sa pag-sagot sa papel nila. Naiiling at nangingiting tumayo ako mula sa desk ko at lumapit sa kanya.
"Someone delivered a flower for you." Sabi niya at inabot sa akin iyon.
"Yiiieeee!" Tukso ng mga bata. Ang mga ito, akala mo abala sa quiz pero ito at nakikitsismis pala.
"Shh... quiet. Nagqui-quiz kayo." Saway ko sa kanila at mabilis naman silang tumahimik. Natawa lang si Migs sa tinuran ng mga bata.
Hinatak ko siya palabas ng classroom at huminto sa tabi ng pinto kung saan hindi nakikita ng mga estudyante ko. Hinapit ako ni Migs sa baywang at binigyan ko siya ng isang mabilis na halik sa labi.
"Salamat nga pala sa bulaklak. Hindi mo naman ako sinabihang pupunta ka." Nangingiting sabi ko.
"Let's have lunch. Malapit naman na matapos ang klase mo, hindi ba?"
BINABASA MO ANG
Lipstick Lullaby
General FictionMiguel Imperial-Cordova's whole life revolves around perfection. He has the perfect family, the perfect career, a perfect fiancee. Perfection is a part of his regular routine. Every single thing has to be flawless. If it isn't flawless, it's no good...