Chapter Thirty Eight

497K 19K 10.4K
                                    

SASKIA

"SASKIA!" Narinig kong tawag ni Tintin at pareho kaming napalingon sa kwarto naming mag-ina. Agad na tumalikod si Migs at nagtungo doon at sumunod naman ako.

"Sino ba 'tong batang 'to? Saan mo 'to napulot? Isang araw pa lang ako nawawala, pinalitan mo na ako." Kunot ang noong tanong niya habang nakatingin kay Savina na mahimbing na natutulog sa kama. Nakatalikod ito 

"Tintin." Lumuhod ako sa harap niya para magtapat ang mukha namin. Isinuklay ko ang mga daliri ko sa buhok niya habang pigil ang mga luhang  "Siya si Savina, siya ang kapatid mo."

"Kapatid?" 

"Oo, parang kami ni Yuka at ni Cosme. Pareho kami ng nanay si Lola Mammy mo kaya magkapatid kami." Paliwagan ko sa kanya.

"Eh di anak mo din yan?" Tumingin siya kay Savina. "Akala ko ako lang ang anak mo?"

"Daddy?" Biglang bumangon si Savina at kinusot-kusot ang mga mata. "I want my daddy..."

"I'm right here, darling." Agad naman lumapit si Migs at umupo sa gilid ng kama. Kinuha niya si Savina at inupo sa kandungan niya. Hinalikan niya ang bata sa noo. "Good morning."

"Daddy..." Yumakap si Savina sa kanya at isinubsob ang mukha sa dibdib ng ama. 

Nagkatingin kami ni Migs at ako rin ang unang nagbaba ng tingin. 

"Savi, I want you to meet someone." Malumanay na sabi niya habang hinahaplos-haplos ang buhok ng bata.

"Bakit ganon? Bakit kamukha ko siya?" Tanong sa akin ni Tintin.

"Tintin, halika dito." Inilahad ni Migs ang isang kamay niya sa anak ko. 

Tinignan ako ni Tintin na para bang tinatanong kung dapat ba siyang lumapit kay Migs at tumango ako. Dahan-dahan lumapit si Tintin sa ama niya at inupo siya ni Migs sa ibabaw ng kabilang hita niya. Kita sa mga namumulang mata ni Migs kung gaano niya pinipigil ang mga luha. Niyakap niya ng mahigpit ang mga anak namin at kinailangan kong kagatin ang pang-ibabang labi ko para mapigil ang hikbing gustong kumawala mula sa lalamunan ko.

Para akong nasa isang panaginip. Alam ng Diyos kung ilang beses kong pinangarap mangyari ito. Ang makitang magkasama si Tintin at Savina. Ngayon ay nasa bisig sila ni Migs.

"Tintin, ito si Savina. Magkambal kayo kaya magkamukha kayo. Savi, look here. This is your twin sister." Paos ang boses na pakilala ni Migs sa mga bata.

Unti-unting nag-angat ng tingin si Savina kahit na pupungas-pungas pa ito. Tinitigan nila ang isa't-isa at parehong nanlaki ang mga mata nila. Naglapit ang mga mukha nila at halos sabay umangat ang kamay nila para hawakan ang mukha ng isa't-isa. Kinapakapa nila iyon na para bang hindi makapaniwala sa nakikita.

"Ay ang ganda mo, 'te. Para akong nakaharap sa salamin." Sabi ni Tintin.

Kahit pareho kaming naiiyak ay hindi namin napigilan ang matawa. Paano naman kasi naririnig niya ang mga salitang iyon kay Ninang kaya kung anu-anong lumalabas sa bibig ng batang 'yan.

"Tintin said you're pretty." Sabi ni Migs sa bata. "What do you have to say?"

"Thank you. You're very pretty, too. You have nice hair and clothes." Ngumiti si Savina sa kanya.

Napaawang ang bibig ni Tintin na parang pilit na iniintindi ang sinasabi ni Savina.

"Honey, you have to make effort to talk to your sister in tagalog. Hindi kasi niya masyadong maiintindihan kapag hindi tagalog." Malumanay na sabi ni Migs bago humarap kay Tintin at hinalikan ang bata sa buhok. "Medyo hirap din kasi itong kapatid mo magtagalog pero marunong naman siya at nakakaintindi."

Lipstick LullabyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora