01

49.5K 424 34
                                    

February 14, 2010

"SABI NANG AYOKO!!!"

"Sige na bespren! Eto naman eh!" reklamo niya sabay pout pa. Ginulo nya yung buhok niyang bagong kulay at umupo sa tabi ko.


Yan nga pala ang bespren kong si Henry. Feeling bata. Feeling gwapo. Feeling forever.


"Isa na lang. Matapos mo akong samahan sa dance troupe, promise hindi na kita guguluhin. Promise!!!"

"Ulol! Yan din yung sabi mo sakin bago mo ko hinila dito sa pag oorganize ng Valentine's day fair! O ano ngayon ang ending, sumali tayo pareho pero ako ang gumagawa ng trabaho mo! Psh."

"Bespren alam mo namang busy ako diba?" Sabi nya sabay humalumbaba pa sa harap ko at nag beautiful eyes.

YUH-HUH-HUUUCK.

"Busy kamo sa pagpapacute kay Victoria! Che!" sabi ko sabay hawi sa kamay nyang nasa braso ko. "Lumayo ka nga sakin, nagcocompute ako rito ng kinita ng booth! Pag ito hindi nagbalanse patay ako kay Bossing!"

"Ito naman si Krys e!" sabi niya. "Nalimutan mo na bang nahulog ka sa sabang sa ilog nung mga bata pa tayo at niligtas ko buhay mo?"

Actually, nahulog ako noon sa tubig na rumaragasa at ginawa ko siyang salbabida. Nakaharang kasi siya! Kasalanan ko bang ang una kong naging impulse e kumapit sa pinakamalapit na bagay na lumulutang?!

"Ayan ka na naman e! Hanggang kelan ko ba babayaran yang utang na loob ko sayo?!" sabi ko.

"Hanggang mapasagot ko si Victoria!"

"Tungak, paano mo mapapasagot eh torpe ka!" sagot ko naman sabay binatukan ko siya. "Sali ka ng sali sa kung anong club naroon si Victoria para mapalapit sa kanya, pero hindi mo siya kinakausap! Hindi ka lumalapit! Hanggang sa paikot ikot na lang kayo, sali ka ng sali, hila ka ng hila sakin... buti sana kung may nangyayari eh!"

Ops. Ang dami kong sinabi. Parang lobong tinusok ng karayom bigla yung pisngi ni Henry.

"Akala ko ba bespren kita?" sabi niya.

"Oo, bespren kita kaya ko nga ito sinasabi diba?" sabi ko. "Saka malay mo! Sa kakahila mo sakin isipin ni Victoria ako yung type mo - HEP! - wag ka ngang mag kunwaring nasusuka dyan!"


Piningot ko siya ng mariin sa tenga. Siya naman tinulak ako.


"Eh kasi naman! Alam naman ng lahat na daig pa natin ang kambal... ano tayo sila Cersei Lannister?" sabi nya.

"Kambal ka dyan! Hindi ah! Hindi tayo magkamukha! Ang laki kaya ng ilong mo! Like ew!"

"LIKE EW!!!" Panggagaya sakin ni Henry, kaya piningot ko siya ulit. "Grabe naman. Papabayaan mo ba akong matalo?"

"Matalo?" sagot ko habang naglalog ng pera sa excel.

"Di mo ba nakikita yung lagi niyang kasama? Ayun o!" sabi ni bespren.

May tinuro sa akin si Henry na nakatayo doon sa may tindahan ng hotdog.

"Sino yan?" sabi ko.

"Yung bagong student. Si Elison Kim. Eli daw for short. Pinoy-Korean na slash amerikanong hilaw. Simula nung dumating yan para nang linta makakapit kay Victoria."

Naks. Naresearch na agad ni bespren! Basta competitor ang bilis e!

"Baka naman close lang talaga sila ni Toyang?" sagot ko. Tiningnan ko si Eli. (Pronounced Kilay minus K.) Matangkad siya, singkit... and waw men nice arms! *_*

Valentine SonataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon