04

18.8K 257 21
                                    

Lahat ng bagay nagsisimula sa maliit.

Konting tampuhan, konting sagutan, konting selosan. Hindi mo makikita kasi para sayo trivial lang. Pero isang araw, bubulaga na lang sayo. Naipon na pala yung mga sama ng loob ninyo.

Saka mo na lang din maiiisip, saka mo lang mapapansin na malaki na yung problemang sana pala ay naaddress mo na sa simula pa lang.

March 2012

Birthday ni Victoria. Naandoon kami sa bahay nila, may videoke at kainan. Bago pa lang kami, pero pinakilala niya na ako agad sa mga magulang niya. Mabait naman sila sa akin, at masaya akong pinakilala niya ako.

Pero bilang hindi ako sanay na maglambing, lahat ng attempt ni Eli na umakbay o tumabi sakin, tinataboy ko siya. Hindi kasi talaga ako sanay. Kahit sa bahay namin hindi ako malambing sa mga kapatid ko. Kahit nga nanay at tatay ko binabatukan ko eh. (oo na, ako na ang bastos.)

Eh si Eli baligtad. Clingy ang lolo mo. Sweet. Isang malaking bahagi siguro yun ng pagka-attract ko sa kanya, kasi nga iba siya. Sanay akong tinatrato akong kung hindi bata eh kapwa lalake. (Ahem, oo Henry, matamaan ka ikaw talaga yan putres ka.)

Kay Eli kasi, noong jumajaporms pa lang kami sa isa't isa, para akong prinsesa. Pinagbubukas ako ng pinto, tinutulungan akong bumaba ng sasakyan, or nagproprotect sakin sa kalsada kasi tatanga tanga ako pag tumatawid.

Ngayong umokay kami at nagkaaminan eh parang nawaley yung novelty. Ewan, siguro ganun ako wired. Hindi ako big on gestures. Kumportable ako na magkasama lang kami. Masayang masaya na ako nun. But I'm not expressive. Wala sa pamilya ko ang expressive. Lahat kami introverted at naggagaguhan to show affection. Kung ang ibang pamilya nagyayakapan na group hug in public, kami nagnanakawan ng phone at pinipicturan ang isa habang tulog.

Hindi yata maintindihan ni Eli yun. May mga bagay na kahit kilala mo na ang tao eh hindi mo pa rin magegets.

"Bakit ba lagi mo na lang akong tinataboy?"

Nagulat ako nang bigla niyang itanong yun. Nasa labas kami noon at nakikinig sa duet nina Henry at Toyang.

"Nasenti ka ba bigla sa kanta?" hirit ko sabay subo ng Mr. Chips.

"Ayan ka na naman eh," sabi niya sabay naghalukipkip. "Ba't ba lahat dinadaan mo sa joke?"

"Hindi kita tinataboy. Hindi lang talaga ako sweet," sabi ko, tapos inabot ko sa kanya yung chichirya. "Ikain mo na lang yan. Mag-CR lang ako."

Tinap ko yung tuktok ng ulo niya (a pathetic attempt at skinship, oo na) tapos pumasok ng bahay nila para maki-CR.

May 2012

Birthday ni Eli. Maraming tao. Ang dami niyang friends. Nakakauneasy. Pag pinapakilala ako, ang sinasabi ng mga tao, "Ay! Siya yun?"

Na para bang ang iba ang tono... Siya na yun? Hello ang gwapo mo Eli, bakit siya?

O kaya naman... Ay! Siya? Takte anong creature yan?

Pwede ring... Ay! Siya? Ba't ang brusko? Mas lalake pa ata sayo.

By 9pm agit na ako. Sa dami ng friends niya, nalilimutan na niya kami ni Toyang at Henry. Si Henry napakaposer napainom ng marami. (Yes, there were drinks. Ang cool kasi ng friends ni Eli! Hashtagsarcasm.) So ayun si bespren nagsuka. Naawa na nga ako kay Toyang eh. Nung pahuli ako na lang nag intindi kay Henry kasi hindi kaya ni Victoria ang bigat ni bespren!

Pinatulog na lang si bespren sa couch. Si Toyang tinabihan siya. Ako naman lumabas.

Paglabas ko ng pinto narinig kong nagtanong yung isang friend ni Eli.

Valentine SonataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon