03

20.4K 315 42
                                    

February 14, 2012

Babala: Ang mainlove sa kaibigan ay nangangailangan ng patnubay ng Poong Maykapal. May mga eksena, linggwahe, at karahasan na hindi naaangkop sa mga bata.

Badtrip na buhay. Sabi na kasi dapat books before boys. Tong mga crush crush na ito walang naidudulot sa buhay na maganda!

Puro kapunyetahan ang nangyayari sa buhay ko eh. -_-

Gaya ngayon. Tong mga kaibigan ko pinahamak ako.

Dahil pumalpak ang Valentine Carnival at Valentine Concert noong mga nakaraang taon, iba na naman ang gusto ng school namin. Valentine Play naman. At bilang staple na daw ako sa Valentine's events every year, hirit ni Henry kay Toyang, dapat lang daw na kasali ulit ako this year.

Gustong gusto ko nang ipabugbog sa bouncers noon si bespren, kaso dumating si Toyang at dinale ako ng please niya with matching beautiful eyes. Eh hindi na ako makatanggi.

Malamang sa malamang eh pinagkaisahan ako ng magboypren na yun.

Okay. Ganto kasi yan. Sinabi ko kay Henry yung pagkauntog ko last year. Iniisip ko syempre besprens kami hinde niya sasabihin diba?

E ayun. Malaking kamalian. Sinabi niya kay Toyang. Eto namang Lola Toyang mo nakipagkunchaba kay Henry. Inaya kami ng inaya na lumabas at everytime na lalabas kami iniiwanan ako kasama si Eli. So every time, as in EVERY TIME! Wala kaming ginawa ni Eli kung hinde ang mag-away. Sa pagkain, sa daan, sa bibilhin. Gusto niya lagi ng arcade, ako ang gusto ko bookstore. Gusto ko ng maalat gusto niya matamis. Tas biglang mawawala at gugulatin ako. Isang beses ginago ako sa MoA, hinila yung bag ko at sumigaw ako. Takte! Muntik na siyang kuyugin! Buti na lang natigil akong sumigaw at naawat ko yung guard.

Ayun. Laging ganun. Wala namang nangyayari. I think pareho kasi kaming masyadong makulit at masama ang ugali. Pero hindi ko naman maiwasang malungkot kapag umuuwi na ako. Kasi nga walang nangyayari. Nag-aaway lang kami maghapon. Wala kaming nagagawang matino.

Actually, okay lang din. Kasi hinahatid pa rin niya ako pauwi dahil biglang nagkakaroon ng issue ang tiyan ni Victoria o ni Henry, kaya napipilitan kaming umuwi na kami na lang. Wala naman siyang ginagawa. Yung mga gentleman gestures lang gaya ng paghawak sa kamay ko pag bababa or pag tatawid, other than that, wala.

Hanggang sa dumating yung araw na yun. Takte, partida, birthday ko pa yun ha. Late noon si Eli, tapos nakita ko na lang habang kumakain kami na may kabuntot siya.

Ka-date.

At kailangan yung pinakacute na crush ng bayan pa talaga yung kakabit niya, si Meara Ocampo. Gandaugh! Salamat ha! Hindi masyadong malaking blow sa ego ko yun Eli, promise hinde!

Nagsulk lang ako noon. Binayaran ko yung kinain namin ng palihim dahil ang usapan libre ko dahil birthday ko. Ayun umalis din ako ng palihim tapos ginamit ko kela Toyang at Henry ang classic nilang sinasabing masakit ang tiyan nila. AY! Ang galit nila sakin, sobra. XD Hahaha! Pero sa huli, ako yung olats. Kasi sinugod nila ako sa bahay, habang ako naman si tanga, ayun umiiyak.

Simula nung birthday ko hindi na ako laging sinusurprise nina Henry at Toyang. Nagdadate na rin sila ng kanila, thank goodness. Pag breaks mabilis pa ako sa alas kwatro na umalis ng room at magtago sa gym para doon kumain mag-isa. Pinanonood ko minsan magpractice yung varsity. Oo yung iba sa kanila magaling, pero wala talaga eh. Ang gusto ko talaga si Eli. Punyetang buhay to.

Hindi naman napapansin ni Eli. Hindi rin siya lumalapit para magtanong. Pero madalas ko siyang nakikitang nakatingin. Angagawin ko sa tingin mong epal ka?

At ngayon... Valentines' Day na naman. Bawat section gagawa ng play. Ang theme ng lahat ng play kailangan mong ibase sa isang online story. T_T Sa Wattpad daw. Ang napili nung class president namin (si Toyang) Worth a Second Look yung title. Dami ngang nagreklamo eh, hindi daw nila kilala yun. Bakit daw hindi na lang She's Dating The Gangster, Diary ng Panget, or kung ano pang mas sikat ang piliin para ang tao makarelate? Sabi ni Toyang, edi mahirap yun kasi siguradong may makakapareho kami sa ibang section.

Valentine SonataWhere stories live. Discover now