05

23.3K 523 95
                                    

Ang saya ng non-breakup namin, sumakto sa lahat.

Prom ba naman at High School graduation.

 

So pwersado akong umattend ng mga iyon na pinanonood siyang kasama ni Meara. Para na lang akong zombie kapag nasa paligid sila. Blanko lang daw yung mukha ko sabi ni Henry. Pero bonggahang acting yun kasi sa bahay ako bumubuhos ng iyak.

 

Palagi na kaming pinag-aawayan ni Eli at ni Victoria. Hindi na sila okay na magkapatid. Ayaw din kasing sumama ni Henry pag kasama si Eli., so ending ayaw na rin ni Toyang. Si Victoria naiipit doon sa dalawa. There was one point na halos muntik na rin maghiwalay sila Victoria at Henry kasi pagod na si Victoria sa kakapili doon sa kapatid at sa boyfriend niya. Naawa si Henry kaya sinuggest na mag cool off muna sila kasi ayaw niyang nahihirapan si Toyang.

 

Ayun, nasapak siya ni Toyang. Ano daw ba sila, nasa Primetime Bida?

(Kaya botong boto ako sa kanya eh.)

 

Nung graduation, ilang na ilang ako. Gusto ko siya sanang kausapin kasi hindi ko alam kung saan school na siya mag-aaral o kung babalik ba siya sa States. Nakikita ko naman siya kaso

 

a. natatakot ako

b. hindi niya ako tinitingnan

c. nakabakod si Meara ng bongga

d. all of the above.

 

So ayun. Yung regalo at letter ko nasa akin pa rin hanggang umuwi. Tinitingnan ako ng mga magulang ko kung bakit hawak ko pa rin yung stuffed toy na baboy pero hindi naman sila umimik. Inassume na lang siguro nila na humingi ako ng pera pang bili ng regalo pero ang totoo eh gusto ko lang talagang bumili para sa sarili ko.

 

Nakapag enroll naman ako sa college nang matiwasay. Dumaan ang first sem nang normal. Nakakasama ko pa rin sina Toyang at Henry pero wala na rin akong balita kay Eli. Ang daming gwapo, ang daming crushable, at sandamukal ang Chinito. Pero laging may mali. May masyadong malakas dumighay. May baduy at laging nakataas ang kwelyo. Merong parang Mama's boy, ang laki ng dalang coleman at payong.

 

Ewan kung ako lang ba. Pero parang lagi talagang may mali.

 

So ayun ang first sem ko. Walang drama. Puro sightseeing. Ang mga nakita kong gwapo puro cotton candy.

 

Maganda tingnan, pero pag hawak mo na... there's not much there.

 

Mabilis na dumaan si first sem at sembreak. Napaenroll naman ako agad ng 2nd sem.

 

At nung first day ng second sem...

 

Psych 101 - Palma Hall Annex

 

"JUNG?"

 

"Present Ma'am!" sabi ko.

 

Valentine SonataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon