02

20.9K 309 14
                                    

February 14, 2011

"Nasan ka na ba!?"

"Nasa puso mo, okay lang ba?" sagot ko.

Napangiti ako nang marinig kong magmura si Eli mula sa kabilang linya.

"Joke lang, andito na ako, malapit na kong matapos. Eto naman! Para tatawirin ko lang yung kalsada papuntang Audi! Miss mo na ko agad?"

"Mukha mo namiss! Kelangan kita dito, hindi mapakali etong si Lau! Hindi magawa ng maayos yung piece namin."

"Excuse you!" rinig kong sinabi ni Toyang sa background. "Henry's doing great, ikaw tong di mapakali at gusto nang mag show off kay Krys!"

*more tagalog cursing here*

"Did I hear that right?" sabi ko habang tumatawid papuntang Audi. "So miss mo nga ako, Eli? Ang clingy mo pala, I had no idea."

"Pag wala ka rito in one minute, PATAY KA SAKIN!"

At binaba na niya. 

Typical Eli. Magaspang. Minsan matino, madalas bastos.

Naging kaibigan ko rin siya, wala akong no choice. After nung field trip nanligaw si Henry kay Victoria at after one week Facebook official na. Turns out ang tagal na ring hinihintay ni Toyang na manligaw si bespren at hindi na daw nya papatagalin pa kaya sinagot na nya, oo agad agad.

At dahil sila ang pinakamalapit sa amin ni Eli, wala na talaga kaming nagawa. Naging constant kaming apat. Yung iba nga nagtatanong kung kami rin ba ni Eli. Pinagtatawanan lang naman namin sila sa mga pagmumukha nila. Nagkakasundo kami ni Eli sa panglalait at pag aalipusta sa kapwa, pero sa degree ng panglalait namin sa isa't isa? Parang imposible na atang magkagustuhan kami.

Pareho naming alam ang baho at kayang gawin ng isa't isa kaya malabo yun.

Baho talaga? Okay sige. Kalokohan na lang.

This year, iba na ang pakulo ng school namin. Last year diba fair? Ngayon, concert. Yung fair kasi last year kagulo. Hindi ganoon kalaki ang kinita at sobrang hassle pa. Hindi sila marunong humandle ng event kaya eto nalang daw, maiba naman.

Tutugtog sina Henry at Eli. Sila ang stars ng show. Pareho kasing gwapo (don't tell Eli I said that, baka liparin ako papuntang Tacloban sa hangin niya) at sikat sa school. Minsan nga napaaway nako dahil kay Eli e. Akala kasi girlfriend ako. So sinugod ako ng isa sa mga fangirls niya.

Lumaban ako ng sabunutan, pero hindi dahil trip ko si Eli. (Ew.) Lumaban ako kasi ayoko sa malanding yun and she had given me a good reason to have a swing at her face.

She was asking for it. Sino naman ako para tumanggi?

Pumasok ako ng venue at nakipag gitgitan. Kailangan makita ako ni Eli, because he is a man of his word. Takot ako, kasi pag sinabi niyang patay ako sa kanya, patay ako talaga.

That's when the spotlight appeared. 

Tumugtog ang unang notes sa piano. Narinig ko ang boses ni Henry na malambing.

Saka ko narinig yung violin.

Hinanap ng mata ko ang pinanggagalingan ng tunog na iyon. 

Si Eli. Nakapikit.

Tinitigan ko siya. Matagal. Nacancel out ang boses at piano ni Henry. Wala akong marinig kung hindi si Eli.

Naaalala ko noong isang beses na inaya ako ni Victoria na magshopping. Kami lang dalawa. Nanood kami ng movie ni Bea Alonzo at ni John Lloyd at namili ng mga gamit nya.

Pinagkwentuhan namin si Henry.

"So matagal mo na siyang gusto?" tanong ko sa kanya habang puno ang bibig ko ng sisig pati kanin. Tiningnan niya ako at ngumiti.

"Matagal ko na siyang mahal, Krys," sabi niya, and the way she said it - medyo napabalik pataas yung sisig na kakalunok ko lang. Nabilaukan ako at uminom ng tubig.

"Sorry cheesy ba?" sabi niya.

"Hinde. Sige kwento lang."

"No judging?"

Tinawanan ko lang siya, tapos sumagot na oo, no judging na labas sa ilong.

"Yung naramdaman ko noong una kong nakita si Henry nung grade 1, may Japanese expression na equivalent. Koi no Yokan."

"Love at first sight?" tanong ko noon.

"Nope," sabi ni Victoria. "Close to that but no. Koi no Yokan is getting the sense that you and the other person are going to fall in love."

Nakanganga lang ako habang nakikinig sa kanya. 

Wala talaga akong alam sa mga ganoon.

"Sense? Paano? Pwede paexplain?" sabi ko noon.

Sabi ni Victoria hindi niya daw alam. Di rin nya maexplain. Basta daw. Deep down, naramdaman niya. Hindi mo agad daw kasi pwedeng masabing mahal mo agad ang isang tao after just meeting them. Hindi mo raw agad mamahalin. Pwedeng nagwapuhan ka, nagandahan, naturn on, but love is a different story. Araw araw, unti unti. Di mo na lang daw mamamalayan pero unti unti, you'll give the other person your heart.

At pag narealize mo na, it just creeps up on you. Hindi a la horror movie na epiphany na magugulat ka. Sa una daw mararamdaman mong nandun pero hindi mo mapapansin. Hanggang mamaya, pabigat na nang pabigat. At hindi mo na pwedeng hindi pansinin. Kasi andyan na siya. Parte na siya ng buhay mo. The person now officially has your heart.

Ngayon ko lang naintindihan ng buong buo ang sinabi ni Victoria habang nakatingin ako at nanonood kay Eli. 

Oo. Nagwapuhan ako sa kanya nang una kaming magkita. Naattract. Pero hindi Koi No Yokan case gaya nina Toyang at Bespren. Ang nag apply sa akin is yung parte kung saan unti unti kang nahulog para sa taong yun.

Hindi ko nanotice nung una, pero andun nga. Maliliit na bagay ang napapansin ko. Na hindi niya ako pinababayaang magutom. Pareho naming gusto ng suka sa fried chicken, at masarap yung ginagawa niyang laing na saksakan ng anghang sa dami ng sili. Siguro sa sobrang lapit namin, hindi ko napapansin na tao rin siya. Masyado akong malapit na hindi ko naisip iappreciate. Masyado akong nasanay kay Eli na kaibigan ko at hindi masyadong naisip o binigyan ng pansin si Eli bilang tao.

Ngayong andito siya sa harap ko, saka ko nakita. Daig ko pa ang hinampas ng baseball bat sa ulo. Sa isang buong buhay kong nakikinig sa piano, hindi ko akalaing violin pala ang makakaantig sa puso ko. 

Iba ang tunog. Siguro kung may tunog ang mga emosyon ng tao, violin ang pinakaaccurate na makakagawa ng tunog na yon. Piercing. It was as though the sound was going through my very soul.

Ibang Eli tong nasa harap ko. Pero takte. Ang hirap iabsorb na ito rin si Eli na kaibigan ko, si Eli na minsan sa gaspang na ugali e hindi mo sigurado kung tao ba o demonyo.

Natapos ang pagtugtog nila. Nagpalakpakan. 

Dumilat si Eli at luminga linga, hanggang sa nakita niya ako.

Tumigil yung puso ko sa pagtibok.

"Paano mo malalaman kung yun na nga yun, Toyang?" tanong ko noon.

"Basta. Malalaman mo agad yun."

Oo, ngayon alam ko na. 

Mahal ko pala si Eli.

===============

Dedicated sa idol ko pagdating sa humor at pagnanarrate ng raw at walang kabulshitang emotions, si Rayne =))

Valentine SonataWhere stories live. Discover now