Scene 1

72.4K 354 79
                                    

Florante at Laura

Scene 1: Sa Isang Madilim na Gubat

Narrator: Sa gitna ng malawak na gubat na matatagpuan sa labas ng kahariang Albanya ay may isang binatang nakagapos sa puno ng higera. Ang gubat ay pinamumgaran ng mababangis na hayop, nakalulunos na huni ng mga ibon, naglalakihang mga punong-kahoy na may masangsang na amoy. Ang binatang nakagapos sah higera ay si Florante na maihahambing kay Adonis. Anak siya ng mag-asawang Duke Briseo at Prinsesa Floresca na kapwa taga – Albanya. Si Adolfo na sukaban ang pumatay sa kanyang amang hari. Si Laura naman na kanyang kasintahan ay inagaw din nya kay Florante at pinapatay pa nito ang ama nito na si Haring Linseo.

Florante: Diyos ko! Bigyan niyo po ng katarungan ang kasamaang nagyayari sa Albanya. Wala ka nang makikitang mabuti! Dahil lahat ng nagpapakita ng kabutihan ay may parusa ng kamatayan. Naglipana ang kalupitan, karahasan, pagsasamantala sa kapwa. Kaya wala nang magawa ang mga tao. Kakagawan lahat nito ni Konde Adolfo! Dahil sa paghahangad niya sa kapangyarihan ng Albanya! Ano't nagging malupit satin ang kapalaran. Nasaan ang katarungan? Ni isa wala man lang dumamay sa akin.

Florante: Nasaan na Laura ang iyong mga sumpa?!?! Nasaan ang iyong pangako? Isa kang taksil! Bakit ngayon ay magpapakasal ka kay Adolfo?!??!?!

Narrator: Biglang nanumbalik sa gunita ng binata ang ilang bahagi ng lumipas...

Laura: Florante, ang bawat sandaling ika'y hindi ko kapiling ay katumbas ng maraming taon sa akin.

Florante: Wag kang mag-alala giliw kong Laura, ang pag-ibig ko sa'yo ay wlang maliw.

Laura: Florante, hetong mga bulaklak, upang mapasaya kita.

Florante: Maraming salamat. Inahalintulad kita sa kagandahan ng mga bulaklak na ito.

Laura: Florante, heto ang espada mo, itago mo yan. Para sa iyong pakikidigma.

Florante: Wag kang mag-alala mahal kong Laura, hindi ako mapapahamak sa mga pakikidigma ko.

Narrator: Nagkataon naming sa gubat ding yaon ay napadako si Aladin na isang Morong taga – Persya na anak ni Sultan Ali – Adab na dahil sa sama ng loob sa kanyang ama sa pagkakaagaw sa pag – ibig ng kanyang kasintahan ay umalis sa sariling bayan.

Aladin: Flerida, bakit mo ako ipinagpalit sa aking ama? Sa dinami daming pwedeng umagaw sayo ay ang ama ko pang iginagalang. Tapos na ang ating pagmamahalan.

Ngunit patuloy na pumapatak ang bawat sandaling natitira habang ika'y kapiling ko. Siguro nga'y paalam na subalit may iniwan kang puwang sa aking puso.

***uupo si Aladin***

Narrator: Habang si Florante ay nakagapos pa rin sa higera ay may dalawang leon na sa pagkita mo pa lamang ay parang kakainin ka na nila ang dalawang leon na ito ay nasa harap ni Florante buti nalamang ay dumating si Aladin...Akala niya ay ito an ang katapusan niya.

***lalabanan ni Aladin ung leon***

Narrator: Nagsa-apolo mandin ang gerero na inusig ng taga ang dalawang leon na naturan. Umamo ang mga leon at umalis. Inalalayan ni Aladin si Florante.

Florante: Laura, giliw kong Laura,..(mejo inaantok style pah)

Florante: Ika'y..ika'y...ika'y isang Moro..! Sino ka? Hindi ako makapaniwalang isang Moro ang magliligtas sa akin.

Aladin: Oo nga isa akong Moro, ngunit ako ay may puso at damdamin din. Wag kang matakot, ika'y aking aalagaan muna. Nakikita ko sa iyong pananamit na ika'y taga – Albanya. Ako naman ay isang Persyano. Kahit ang bayan niyo ang kaaway ng aming bayan ay itinuturing kitang katoto.

Florante: Salamat sa pagkakaligtas mo sa buhay ko. Kung ako'y di mo nailigtas ay malamang nasa tiyan na ako ng mga busog na leon.

Aladin: Walang anuman. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo din naming parehong sawim palad.

***lumipat ng pwesto***

Aladin: Dito ka muna magpahinga kaibigan, magdamag kitang aalalayan.

***pagkagising ni Florante***

Florante: Hindi ka natulog?

Aladin: Oo. Para mabantayan kita sa gubat na ito. Na maraming mababangis na hayop.

Florante: Maraming salamat. Isa kang bang mabuting kaibigan? Paano kita mapapasalamatan?

Aladin: Magtiwala ka sa akin. Ikwento mo naman kung paano ka nagkaganito.

Florante: Isasalaysay ko sayo ang aking buhay mula sa aking kamusmusan. Ako si Florante. Taga – Albanya. Ako'y anak nila Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Ang aking ina ay anak ng hari sa kahariang Crotona. At ang aking ama ay ang taga payo sa hari ng Albanya na si haring Linceo na ama ng aking sinisinta na si Laura. Bantog ang ama ko sa karunungan.

Narrator: At isinalaysay na nya ang kanyang buhay...

FLORANTE AT LAURA SCRIPTWhere stories live. Discover now