Scene 5

25.5K 83 4
                                    

Scene 5: Nanganganib ang Krotona

Narrator: Hindi nag-aksaya ng sandali ang mag ama, noon din ay nagsadya sila sa palasyo ni Haring Linceo at ng magkaharap sila ay...

Haring Linceo: Mabuti at nag sadya ka agad sa akin, ang Krotona ay nangangailangan ng ating tulong. O duke, sino ang binatang kasama mo? Ang kiyas na ito ay siyang kamukha ng bunying gerero, ang aking napangarap na sabi sa iyo na magiging haligi ng sentro ko't reyno

Duke Briseo: Siya ang bugtong kong anak kararating lang mula sa Atenas. Si Florante na inihahandog sa mahal mong yapak, ibilang na isang basalyo't na alagad.

Florante: Haring poon, ako ngayon ay nasa iyong utos.

Haring Linceo: Mabuting pagdating, mula ngayon ay ikaw na ang halal kong Heneral ng aking hukbo, Florante.

Laura: Narito pala kayo, mahal kong ama.

Haring Linceo: O Laura, anak ko

Narrator: Sa kagustuhan narin ng hari, ang magandang si Laura ay nakaumpok nila sa pag-uusap na iyon kakaibang damdamin ang nadama ni Florante. Halos litung lito at di tuwid mag salita si Florante at laging sumusulyap sa kagandahan ni Laura at di lingid sa kanya ay gayun di ang nadarama ni Laura.

Florante: Napakaganda niya. Ano kaya itong nararamdaman ko? Pag-ibig na ba ito?

Laura: Kay kisig na binata, sino kaya siya?

Narrator: Nang matapos ang kanilang pulong, umuwi na sila Florante.

Narrator: Hindi mapawi ang kanyang kalungkutan dahil malapit na ang digmaan at hindi pa rin siya nakakapagtapat ng kanyang pag-ibig sa kanyang minamahal nasi Laura. Ng minsang hindi sinasadyang magkita ang dalawang nag iibigan ay...

Florante: Anong hiwaga ng pagkakataon, parang hindi ako makapaniwala na ako'y humihinga pa sa mga sandaling ito.

Laura: Nalalaman ko ang sanhi ng iyong kalungkutan, ipinagluluksa mo ang pagpanaw ng iyong ina.

Florante: Hindi iyon ang dahilan, Laura, ang kalunkutang nadarama ko ngayon ay nagsimula ng kita'y makilala.

Laura: Kung gayon kinalulungkot ko ang una nating pagkikita.

Florante: Hindi mo ako nauunawaan Laura, ang kalungkutan ko'y sanhi ng aking damdaming inuukol sa iyo na hindi ko maipahayag! Subalit sa pagkakataong ito, ikamamatay ko kung di mo mababatid na ikaw ay aking iniibig Laura! Laura, iniibig kita, at kung hindi kalabisan ay nais kong bago ako magtungo sa larangan ay bigyan mo ng liwanag ang isinamo ko.

Laura: Hindi ko nais na lumisan kang malungkot, Florante.

Florante: Kay ligaya ko, sapat na ang mga luhang iyan upang sabihin kong ako ang pinakamapalad sa daigdig.

Laura: Florante, lumakad ka na at umaasa kang patnunubayan ka ng aking mga dalanigin.

Florante: Ang iyong pag-ibig ang siyang magiging sandigan ng aking tagumpay. Paalam.

FLORANTE AT LAURA SCRIPTWhere stories live. Discover now