Scene 2

42.3K 164 4
                                    

Scene 2: Buhay ni Florante

Narrator: Noong musmos pa lamang si Florante ay ikuwento ng kanyang ina na siya ay muntikan nang madagit ng buwitre. Buti na lamang ay nandyan ang kanyang pinsan na si Menalipo.

Prinsesa Floresca: Florante! Anak ko!

Menalipo: Ako po ang bahala sa buwitre na iyan!

Prinsesa Floresca: Mag-ingat ka, Menalipo!

Menalipo: Opo, aking prinsesa!

***pinana ni Menalipo ang buwitre***

Prinsesa Floresca: Ang aking anak! Mabuti'y nasa mabuti kang kalagayan anak. Salamat na lamang nandito ka, Menalipo. Kundi'y malamang napahamak na ang aking anak. Halika't dalin natin siya sakanyang ama.

Narrator: Sa paglipas ng panahon si Florante ay nasa wastong gulang na upang tumuklas ng kanyang karunungan napagtanto ng kanyang ama na si Duke Briseo na siya ay pag aralin sa Atenas.

Duke Briseo: Florante anak, kailangan mong mag – aral sa Atenas para mahasa ang iyong mga kakayanan at kaalaman.

Prinsesa Floresca: Hindi maaring mag – aral si Florante sa Atenas! Ayoko siyang mawalay sa aking piling.

Florante: Paano po ang aking ina?

Duke Briseo: Batid ko ang pagmamahal na inuukol ng iyong ina, subalit kung tayo'y patatangay ng kalungkutan sanhi ng ating paglalayo ay hindi mo matatagpuan ang tagumpay. Iyan ang dahilan kung kaya't dapat nating pagtiisan ang lahat. Ang kapangyarihan ng luha ay dapat nating pawalang kabuhulan.

FLORANTE AT LAURA SCRIPTWhere stories live. Discover now