Scene 3

35.7K 127 10
                                    

Scene 3: Ang Atenas at si Adolfo

Narrator:Labing isang gulang si Florante nang pumasok sa Atenas. Si Antenor ang kanyang guro. Naging kamag aral niya si Adolfo na anak ni Konde Sileno. Huwaran si Adolfo sa kabaitan sa klase. Ngunit, sila ay hindi naging malapit sa isa't isa. Pagkaraan ng anim na taon ay natuto si Florante ng Astrolohiya, Matematika at Pilosopiya.

Antenor: Ang ating paaralan ay magkakaroon ng pagsasadula hango sa buhay ni Reyna Yokasta. Florante, papel ni Etyokles ang gagampanan mo. Katauhan naman ni Reyna Yokasta ang gagampanan ni Menandro.

Narrator: Patuloy ang kanilang paghahanda, lahat ay masaya maliban kay Adolfo.

Adolfo: Ako ang dapat si Etyokles ngunit napili si Florante! Hindi ba nakikita ni Maestro Antenor na ako ang mas mahusay sa aming dalawa? Nalalapit na ang araw mo, Florante! Supagkat ikaw ang umagaw ng kapurihan ko!

Narrator: Isang araw bago pasimulan ang pagtatanghal, si Adolfo ay hindi dalawin ng antok laging sumasaisip niya ang maiitim na balak kay Florante.

Adolfo: Bukas magiging ganap ang aking paghihiganti! Bukas...

Narrator: At nang dumating na ang pagtatanghal ng dula, ipinakilala ang pangunahing tauhan ng kasaysayan si Florante.

Mga tao: Mabuhay si Florante! Mabuhay!

Adolfo: Magpakabusog kana sa puri Florante at katapusan mo na.

Antenor: Magsisimula na ang ating dula kaya lahat ay pumwesto na!

Narrator: At sakalagitnaan ng kanilang pagtatanghal...

Adolfo: Magkatatag ka na! Ito ang iyong katapusan!

Narrator: Sa halip na sabihin ang nasa orihinal, ngunit iba ang nasabi ni Adolfo...

Adolfo: Ikaw na umagaw ng kapurihan ko'y dapat kang mamatay! Mamatay ka!

Menandro: Bitawan mo iyan!

Anternor: Anong nangyayari dito? Bakit Adolfo anong tinangka mong patayin ang iyong kababayan?

Menandro: Isa kang baliw, Adolfo!

Adolfo: Kailangang mawala siya pagkat siya ang umagaw sa karanangalan ko!

Kamag-aral: Isa kang habang, ulupong at sakim! Patayin si Adolfo! Patayin ang sukab!

Narrator: Hindi na nga inabot pa ng kinabukasan si Adolfo, noon din ay pina uwi sa Albanya.

Adolfo: Sa muli nating pagtatagpo ay titiyakin ko ang aking tagumpay, Florante, titiyakin ko!

Antenor: Hindi masama na ang isang tao ay magkaroon ng matayog na layunin, ang masama ay ang tamuhin ang katuparan na niyon sa kapinsalaan ng kapwa. Kung paano nagkaroon ng isang kain na pumatay sa kanyang kapatid na si Abel ng dahil sa inggit, paano nga kayang hindi magkakaroon ng isang Adolfong naghahangad ng pumatay sa kanyang sariling kababayan! Kahanga-hanga ang ginawa ni Menandro, ito'y isang magandang halimbawa ng pagkabayani.

Florante: Paano kaya kita magagantihan Menandro? Kundi sa iyo ay isa na akong malamig na bangkay!

Menandro: Iwaksi mo sa iyong isip ang bagay na iyan, dapat tayong mag pasalamat sa dakilang lumikha! Ang lahat ay utang lamang sa diyos ako'y kasangkapan lamang niya upang iligtas kasa kapahamakan!

Menandro: Florante, para ko ng nakikitang malapit ng dumating ang araw ng iyong pag-uwi

Florante: sa palagay ko'y hindi ako makakauwi ng hindi ka kasama

Menandro: Kung sumama kaya ako'y ipagkapuri mo naman kaya ako sa iyong mga kaibigan, sampu ng ama mong Duke?

Florante: Aba'y syempre ipapakilala kita!


FLORANTE AT LAURA SCRIPTWhere stories live. Discover now