Up The Dosage

65.1K 1.8K 93
                                    

 A few days later, nagpunta ulet ako dito sa fave tambayan ni ex. Sa Starbucks. Who knows? I might run into him here... Sana...

Nadinig naman agad ang panalangin ko.

Nakita ko si ex, having coffee with some girl. Bumangon agad yung inis sa dibdib ko. He FELL out of love? O may nang-agaw lang talaga sa attention nya? Kainis! Masugod nga ah!

"Where do you think you're going?"

Si Kent. Nakaharang sa daan ko.

"Tabi nga dyan!" I pushed him aside... or I tried to anyway. He didn't budge.

"Why are you so angry?"

"I'm PMS-ing! Get the hell out of my way!"

Tumawa sya. "Kakaiba ka talaga. Ikaw lang ata ang babaeng nakilala ko na aminadong nagpi-PMS!"

"Tse! Tabi nga!"

"Ayoko." He stepped on his right ng humakbang ako sa kaliwa ko. Asar naman 'to. Nakuha pang makipagpatintero.

I gave out an exasperated sigh. We're causing a scene na eh ayaw pa rin nyang tumabi.

"Kenneth—"

"Uy galing ah! How did you know my real name?"

"Eh?" Hula ko lang yun eh. Kunware nakalimutan ko na yung name nya so I came up with a name na medyo malapit sa Kent. Tsamba pa. Pangalan nya pala talaga yun.

"Gusto mong mag-coffee?" Nakangiti nyang tanong.

"Ayoko! I want you out of my way!"

"Wrong answer!" Hinila nya 'ko palabas ng Starbucks.

"Akala ko ba magkakape tayo?"

"Ayoko dyan. Ang mahal eh.."

Ganun? Ang yaman yaman nya eh... Oo mayaman sya. Kita ko sa bahay nya. Tatlo pa kotse nya. Psh. San kaya ako dadalhin nito?

Isinakay nya 'ko sa kotse nya.

At parang sinadya pa talaga nyang ilapit yung mukha nya sa mukha ko nung ibinuckle nya yung seatbelt ko.. which I didn't ask him to do!

 

Ngumiti pa sya nung magkatapat yung mga mukha namin.

"Ang gwapo ko noh?" Sabi nya. Tumaas hanggang bubong ng kotse nya yung kilay ko.

"So?"

"Wala lang. I'm just wondering kung bakit ganyan ka sa 'kin. Don't you find me attractive?"

"No." Kay ex lang ako attracted.

"Really? So you won't mind at all if I kiss you?" He challenged.

"Sure." I accepted.

He kissed me.

And I was right. I didn't feel anything. Kilig lang... pero syempre, ikaw ba naman ang halikan ng ubod ng gwapo kung hindi ka rin kiligin. But that's that. Wala ng iba. Wala yung parang floating on air feeling na kay ex ko lang nararamdaman.

He sensed siguro that I wasn't into it because he ended it so abruptly.

Kunot ang noo nya ng tumingin sya sa 'kin.

"Ouch." Sabi nya.

"Yeah. It burns, doesn't it? Pwede na ba 'kong umalis?" I opened the door pero mabilis din nya yung naisara.

"No."

"Bakit na naman?"

"You think that you can get away that easily for hurting my ego?"

6 Letters, 2 Words.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon