Queen of the Stupids

45.5K 1.6K 131
                                    

Two months...

Two months na 'kong walang balita kay Kent. I've been trying to call him pero palaging unattended. Parang nasaktan ako. Nawalan ako ng isang importanteng tao sa buhay ko...

Mali pala.

Tatlo sila.

Sina Ree at Denise umiiwas na rin sa 'kin mula nung maging kami ni ex—este—bf. Palagi kase akong kasama ni Brent eh. Wala na akong time kina Ree. Kagaya ulet ng dati. Pahirapan na naman kaseng makahanap ng time para sa kanila.

Demanding kase si Brent. Gusto sa kanya lagi ang attention ko. Haaay... minsan nga nakakapagod na eh. Ewan ko ba...

Parang.. unti-unti akong nagsasawa.

 

--

 

Starbucks na naman? Kape na nga ata ang dumadaloy sa katawan ko eh. Haaay..

"Can't we go somewhere else?"

Napakunot ang noo nya. Kakapasok lang kami ng Starbucks nun. As in kakalampas lang ng pintuan.

"May gusto ka bang puntahan?" Tanong nya.

I shrugged. San ko ba gustong pumunta?

"Sky diving?" That's what I thought at the moment.

Tumaas ang kilay nya. "You're kidding, right?"

Napasimangot ako. Kung si Kent yun for sure papayag yun agad. KJ kase 'tong si Brent eh.

He sighed saka hinawakan yung kamay ko.

"Tell you what? Let's go someplace else..."

I'll pleasure you.

 

O_O

Kent! Alis ka nga sa utak ko! >_<

"S-San?"

He smiled. "Sa park."

--

So ayun, bumalik kami sa kotse nya na nasa parking lot. Ipinagbukas naman nya 'ko ng pinto pero pagkaupo ko hindi ko ginagalaw yung seatbelt. Inaantay kong sya ang mag-buckle.

"Oh? Mag-seatbelt ka na." Sabi nya.

Napabuntong-hininga na lang ako at inilagay mag-isa ang seatbelt.

--

Third month. Naghahallucinate na 'ko. Palagi ko syang napapagkamalan na si Kent. Tapos nabibingi pa 'ko kase kapag may kakilala sya na tumatawag sa pangalan nya.. pakirinig ko lagi—KENT.

Hindi na nga ata ordinaryong pagka-miss 'to weh.

Parang iba na.

Gusto ko na ata si Kent.

--

Three and a half months ng maramdaman kong hindi ko na talaga kaya. Hindi ko na kayang mag-pretend... Sa lahat ng ginagawa, si Kent lang ang pumapasok sa isip ko. Even when Brent and I kiss, si Kent ang naiimagine kong humahalik sa 'kin.

At habang pinipilit kong mahalin ulet si Brent, mas lalo akong nahihirapan...

--

"Brent..."

"Hmm?"

"May sasabihin ako." Kakatapos lang nyang mag-toothbrush. Opo. Dito na naman sya nakatira sa condo ko. Haay... minsan nga feeling ko naso-suffocate na 'ko sa presensya nya eh. Minsan, pagmulat ng mata ko, mas gusto kong wala akong nagigisnang katabi kesa sya ang nakikita ko sa umaga.

Weird noh?

Kaya gabi-gabi iniimagine ko na lang na si Kent ang nakayakap sa 'kin at si Kent ang nagigisnan kong nakangiti pag-gising ko sa umaga. Kaso medyo lumalabo na rin yung memorya ko sa kanya.. Lapit na kaseng mag-four months eh...

Ni ha, ni ho... wala man lang akong naririnig mula sa kanya.

"Pwede bang mamaya na? Malilate na kase ako weh."

"This can't wait Brent."

Tumingin sya sa 'kin na kunot ang noo. Tapos sumandal sya sa pintuan ng bathroom at pinag-cross yung mga braso nya.

"Okay. Ano ba yun?"

"You need to move out..."

Nagulat sya. "HA?"

Napalunok ako. "I-I said.. you need to move out."

Napairap sya tapos bumalik ulet ang tingin sa 'kin. "Why? Ayaw mo na ba 'kong kasama? Hindi ka na sanay na nandito ako?"

Umiling ako.

"Okay. If that's what you want..."

"That's not what I want."

He gave out an exasperated sigh. Yun yung buntong-hininga nya na nagsasabing nagsasawa na sya sa pakikipagtalo sa 'kin.

"Eh ano ba?" Iritado nyang tanong.

"I want you out of my life Brent."

--

6 Letters, 2 Words.Where stories live. Discover now