E

46.1K 1.5K 51
                                    

Erase his existence in your life.

 

Nandito na naman si Kent sa condo ko. Ano'ng ginagawa nya? Nililimas ang buong bahay ko with ex's things. Lahat ng ituro kong bagay na kay Brent or palaging hinahawakan ni Brent o galing sa kanya... nilalagay ni Kent sa isang malaking trash bag.

"Wala na?" He asked.

I looked around the unit. Oo nga. Wala na. Halos wala ng natira! Lahat ng pictures namin ni ex, yung mga naiwan nyang damit, yung mug nya, toothbrush, socks and eveything... ready to be thrown na.

Mabuti na nga lang hindi kasya yung couch dun sa trash bag eh...

"Wala na." Sabi ko. Pati bed sheets itinapon nya. Ibibili na lang daw nya 'ko ng bago...

Lumapit sya sa 'kin tapos itinaas yung kamay ko.

"Eh ano 'to?"

I saw what he's looking at. The promise ring ex gave me. Binawi ko agad ang kamay ko.

"Wag na 'to." Sabi ko.

He heaved a sigh. "It's from him, isn't it?"

Nag-iwas ako ng tingin.

"Give me that."

Lumayo ako. Nagpaikot-ikot pa kami sa unit. Hanggang sa ma-corner nya 'ko at biglaang hinablot yung singsing. Muntik pang madala yung kamay ko!

Tapos itinapon nya yun sa bintana.

Wala na..

Wala na yung promise ni ex..

Haaay..

--

6 Letters, 2 Words.Where stories live. Discover now