O

49.3K 1.8K 209
                                    

Open you heart to somebody else.

 

"Open naman ang heart ko for everybody else eh..." Reklamo ko sa kanya.

He sighed. "Totoo ba? O yang ex mo pa rin ang may pinakamalaking chunk ng puso mo?"

"Eh normal naman yun.."

"Ilang buwan ka na bang ganyan ha? Don't you think it's time na to move on?"

"It's easy for you to say... hindi mo pa kase nararanasan 'tong nararanasan ko ngayon eh.."

He slumped back on the couch. Naupo ako sa tabi nya.

Then he spoke..

"Two years ago.. I was left at the altar.." He said. Napatingin ako sa kanya. Seryosong-seryoso sya. And when he spoke again.. he was on the very edge of crying...

"She was my everything.. so when she left, I was left with nothing... I tried to kill myself after apologizing to everyone who went to the church. First I jumped off a bridge. Pero tubig lang yung binagsakan ko. Hindi pa nga ako nalunod eh. Second, I overdosed myself with sleeping pills. Hindi rin effective. Nabilaukan lang ako. Then I decided to hang myself... but the funny thing is.. when the rope was finally choking my neck and I was about to kick the chair off... saka naman ako natakot mamatay."

It was like seeing him for the first time... I don't know what has gotten into me but I found myself wanting to hug him. Kaya niyakap ko sya... He put his arm on my shoulder and pulled me closer.

"I'm sorry Kent. I didn't know.."

"It's okay. Naka-move on na 'ko..."

Tumingin ako sa kanya. "How did you do it?" Ako sa sarili ko, alam kong hirap na hirap ako. Sa lahat ng bagay na ginagawa ko... naaalala ko si ex. I thought I've had it worse. Dahil nagli-live in na kami ni ex pero... mas masakit pala yung sa kanya. He was about to get married when... she decided to just leave him.

Aray... parang mas hindi ko kaya yun.

He shrugged. "Ewan ko kung pano. Basta inom lang ako ng inom noon, sleeping with any gorgeous girl I came across with.. wasting my money.. wasting my life... hanggang sa magsawa na rin ako. Nakakasawa eh."

Tama.. nakakasawa nga.

"Iniisip ko noon kung ano ba'ng mali sa 'kin. Bakit nya 'ko iniwan? Pero narealize ko din na... baka naman sya ang may mali... baka hindi lang talaga sya para sa 'kin. Maybe I deserved someone better.." He looked at me.

For some reason, I found myself growing warmer towards him. Ewan ko.. baka kase nakakarelate ako sa kanya?

"Nakikita mo pa rin ba ang ex mo?" Tanong ko sa kanya.

"I did see her.. nung ikakasal na sya."

"Waaah? Ano'ng ginawa mo?"

He shrugged. "Nothing. I just sat there sa pinakang-dulo and watched her get married to some guy. Nanghihinayang ako syempre.. but that's that. When I let go of all the bitterness I feel inside... naging magaan ng tanggapin lahat. That night, umalis ako ng reception to celebrate on my own. Finally, sabi ko sa sarili ko, I truly have moved on. That's the night when I saw you."

Ah.. kaya pala bihis na bihis sya nun?

"So ano'ng kelangan kong gawin ngayon?"

He smiled. "Entertain suitors."

"San naman ako hahanap ng suitor? Rarampa ako sa mall ganun?"

Tinapik nya ang noo ko. "Baliw. Hindi pa ba 'ko qualified?"

Napamaang ako sa kanya.

"Manliligaw ka?"

He rolled his eyes. "Ang slow mo. Tingin mo ba gagawin ko lahat ng 'to kung hindi ako interested sa 'yo?"

"Sorry naman. Akala ko kase matulungin ka lang talaga.." nakangiti kong sabi.

"Matulungin talaga ako. But I don't go to this extent sa taong hindi ko naman gusto." Sabi nya. Then he kissed my forehead. "Open your heart to me Mira. Panahon na para sipain mo palabas sa puso mo yang ex mo."

 

6 Letters, 2 Words.Where stories live. Discover now