Chapter 15

26K 573 47
                                    

Caleb

The plan was a huge success. Axel and Heather had a really huge fight after Natalie's stunt and it seems like they were about to break up. Although sa tingin ko ay wala naman talagang kinalaman sa ginawa ni Natalie ang pagaaway nila ay hindi na lang ako kumibo. Hindi  ngayon maipinta ang mukha ni Natzkie sa sobrang kagalakan. Pagkalapad lapad ng ngiti niya. Kala mo wala nang bukas.

Pinipilit ko rin namang maging masaya para sa kan’ya. After all, partners kami dito hindi ba? So instead of acting surly, I tried to fake enthusiasm. I even suggested that we party tonight as a celebration of her job well done. Only I was feeling devastated inside.

I struggled to keep the feigned grin on my face as she looked back at me. Nais kong mambasag ng mukha nang ngumiti siya sakin ng pagkatamis tamis, so sweet her eyes seemed to twinkle. Naglalakad siya sa buhanginan at kulang na lang kumandirit siya sa sobrang saya nya. Argh! Nakakainis 'tong nararamdaman ko. Why am I feeling this?

She already took off running to a nearby bar when I came into a realization. Naiinis ako, hindi dahil basta ayoko lang sila magkabalikan ni Axel. Hindi lang dahil undeserving ang lokong 'yon sa pagmamahal at loyalty ni Natzkie. But because, I wanted her for myself! I want her to be mine! Malinaw na ngayon iyon sa’kin.

Gusto kong magwala. Gusto kong tadyakan ang buhangin na nilalakaran ko. Pero ayokong madisappoint sa’kin si Natalie. She's too happy. Too elated. I don't wanna ruin this for her.

Oh God. Nasapo ko ang noo ko. This can't be happening to me! Not now! I have so many things ahead of me. I have an empire to run. Walang lulugaran ang ganitong feelings sa buhay ko. This will only ruin me. At lalong hindi dapat kay Natalie! Hindi dahil sa hindi siya maganda o hindi siya mayaman.. But because..

"Huy, okay ka lang?" 

Napaatras ako nang biglang pumitik si Natalie sa tapat ng mukha ko. "You're spacing out." nakangusong sabi niya.

I tried faking another smile. Pero alam kong ngiwi ang kinalabasan nu’n. "I'm just.." paano ko ba sasabihin sa kan’yang hindi ako natutuwa na nagtagumpay kami? Hindi ako natutuwang may pag asa nang magkabalikan sila ni Axel? Paano ko sasabihin na nagkakagusto na ‘ko sa kaniya? Anak ng pating naman! "May iniisip lang ako." sabi ko na lang.

"Naman naman, Caleb Damien Yung, akala ko ba magse-celebrate tayo? Eh mukha kang namatayan diyan?" humalukipkip pa siya.

Pakiramdam ko nga naghihingalo ang puso ko dahil sa’yo. Where in hell did that come from, Caleb? Ang corny mo, gago.

I sucked in a deep breath before grabbing her hand. Gusto niyang magcelebrate, fine! I'll humor her. Alam kong wala sa plano ang magkagusto ako sa babaeng 'to, but what the heck? It feels so fucking good having her with me and it felt like it just rained chocolates having her hand in mine. Screw this. If I'm going down the drains after this, I might as well enjoy the ride.

Pumasok kami sa loob ng madilim na bar. It was crowded and full of dancing and drunk people. Binitawan ko ang kamay ni Natzkie para ipulupot ang braso ko sa bewang niya. I held her close to my body. Mahirap na, baka mawala pa 'tong babaing 'to. She doesn't seem to mind that I was almost hugging her, though. In fact, her right hand was nesting on my chest and she snuggled closer.

Naupo kami sa bar kung saan wala gaanong tao. "One tequila on the rocks please," wika ko sa bartender. "Ano’ng sayo?"

"Uhm?" pinanlakihan lang niya ko ng mata.

"Ah!" bigla akong natawa. Naalala kong hindi nga pala sanay uminom 'tong babaeng 'to. "Punch na lang sa kaniya." baling kong muli sa waiter pagkatapos ay tumalilis na ito.

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now