Chapter 29

14.8K 547 47
                                    

Natalie

Sinikap kong magpatuloy na mabuhay na tila ba walang nangyari. Na parang walang Caleb na dumaan sa buhay ko, pero ang hirap pala! Minuminuto siya ang laman ng isip ko. Bawat bagay na makita ko o gawin ko, bawat lugar na puntahan ko, parang ipinapaalala sa'kin ang mga pinagsamahan namin. Para bang tinutudyo ako ng tadhana.

Biruin mo, minsan mapapadpad ako sa isang convenience store, bigla na lang ako makakarinig ng babaeng sumisigaw ng, "Caleb! Caleb!" syempre napapalingon ako dahil akala ko andun din siya, 'yun pala kapangalan niya yung anak ng babae.

T'wing nasa banyo ako, sya naaalala ko. Kase naman yung bugok na 'yun! Puro references sa tae ang laman ng isip.

Minsan nga akala ko narinig ko ang boses nIya na tinatawag ako. Jusko, nabe-Bella Swan na ata ako!

Natatakot ako na baka mabaliw ako sa withdrawal ko kay Caleb kaya naman imbes na magmukmok sa condo ko magisa, umuwi muna 'ko sa bahay nila mama. Baka sakaling pansamatala, makalimutan ko siya dito. Aaliwin ko na lang ang sarili ko sa kambal.

Besides, namiss ko din naman si mama.

"Natalie, 'wag mo muna itapon 'yang tubig at magagamit pa 'yan pambanlaw mamaya! Susmaryosep ka, nagaaksaya ka! Ganyan ka ba sa bahay mo? Siguro mahal ang binabayaran mo sa tubig? Oh 'wag mo pagsamahin 'yang de color at puti!"

Pabirong inirapan ko si mama. Eto talaga ang namiss ko sa kaniya. "Hindi ko kaya pagsasamahin, tinetesting ko lang ang reaksyon mo," nakangising sabi ko. "Namiss ko pagbubunganga mo, ma."

"Nako, eh sino ba kasing nagsabi sa'yong bumukod ka?" aniya habang pinipilipit ang isang dilaw na blouse. "Dumito ka na lang at tigilan mo na pageermitanya mo sa condo mo."

Naisip ko rin naman na bumalik na lang dito sa poder ni mama at tiyo Dennis, kaya lang nakahiyaan ko na rin. Hindi naman kalakihan ang bahay nila at walang pupwestuhan ang mga gamit ko dito. At kagaya nga ng sabi ko noon, para bang kalabisan na 'ko sa pamilya nila.

"Ako na nga ang magbabanlaw nyan at kusutan mo 'tong mga puti, masakit na ang kamay ko."

Bonding namin ni mama ang maglaba simula pa maliit ako. Dito namin napaguusapan ang mga bagay bagay, katulad ng mga tsismis sa kapitbahay, mga bayarin sa bahay at eskwela, mga ganyan ganyan. Kaya nga hindi ko narin napigilan magtanong sa kanya maya maya.

"Mama.."

"Oh baket?"

"Papaano ka nakamove on kay papa?"

Biglang natigilan ang nanay ko at napatitig sa mga binabanlawang damit. Saglit na naisip kong baka ayaw na niyang pagusapan ang nangyari sa kanila ng kano kong ama. Kaya naman hindi na 'ko nangulit.

Ganoon na lang ang gulat ko nang sumagot siya. "Alam mo kasi, anak, kung tunay mong minahal ang isang tao, hindi ka naman makakamove on sa kanya eh. Ang tunay na pagmamahal hindi namamatay."

"Akala ko ba first love ang hindi namamatay?" I grinned at her.

"Kuu, ikaw nagpapaniwala ka sa ganyan! Sa'kin ka maniwala dahil ako, naranasan ko na 'yan!"

I giggled. "True love mo ba si papa?"

"Oo." mahinang sabi niya habang nakatitig sa mga labahin. Naaalala siguro niya ang ama ko.

"Eh di ibig sabihin di ka pa naka move on kay papa?"

Misteryosang ngiti ang isinagot ng nanay ko sa'kin saka niya ipinagpatuloy ang pagbabanlaw ng dekolor na damit.

"Hala! Isusumbong kita kay tiyo Dennis!" natatawang tudyo ko. Hindi ko alam kung saan galing ang pagalsang naramdaman ko sa dibdib ko. I'm not exactly sure if I was happy to know that my mother still hadn't move on from my dad. Kahit pa matagal ng deads ang isang 'yon.

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now