Chapter 32

17.6K 558 55
                                    

Caleb

Halos paliparin ko ang R8 ko matapos kong muling makausap si Libby. Natalie's crying. Again. Humigpit ang hawak ko sa manibela at pinaharurot ang sasakyan. Mientras businahan ako at mamura ng mga sasakyang kina-cut ko. I just want to get to her. If there's one thing I can't bear seeing, or hearing for that matter, it's Natalie crying. And it sucks even more because I know it's my fault.

Fuck! Sunod sunod na busina ang inabot sakin ng isang sasakyang nahihirapan yatang magpark.

"Dammit!" agad na minaniobra ko ang sasakyan at muntik pa akong makasagi ng isang van.

Nang sa wakas ay maiparada ko ang sasakyan ko sa tapat ng bar ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Good thing may nakalaang paradahan para kay RD at sinabihan n'ya akong iyon na muna ang gamitin ko. The club was jampacked tonight.

I battled my way through the crowded dance floor. My eyes scanning for a familiar brown haired woman. Where in hell is she? May ilang minuto din akong nag-ikot hanggang sa makita ko si Libby na kinakawayan ako. She was seated in a booth on the farthest end of the club. Nagmamadaling tinungo ko ang kinauupuan niya at nakita ko ang girlfriend ko na nakadukdok sa mesa. Her bare feet dangling on the sides of the tall stool and her hand clamped around a bottle of vodka. Shit!

Agad ko s'yang dinaluhan. "Sweetheart. I'm here." bulong ko sa kanya habang hinihimas ang bumbunan niya.

Bumaling ako kay Libby. "What happened?" I said, shrugging off my brown leather jacket. Isinukbit ko iyon sa balikat ni Natalie na hindi parin kumikilos. Tulog na yata.

"She called me at around six pm. She was already slurring kaya tumakas muna ako sa photoshoot ko. Naabutan ko na s'yang ganyan!" inis na inagaw nito ang bote ng alak sa tulog na si Natalie. "Gusto ko na s'ya ihatid kanina pa kaya lang inaaway n'ya 'ko. Muntik pa nga n'ya akong kalmutin sa mukha!"

Napangiwi ako sa sinabi n'ya saka ko pasimpleng binalingan ang girlfriend ko. "Natzkie, cmon, sweetie wake up. Uwi na tayo." hinalikan ko s'ya sa sentido at pilit na ibinangon ang mukha nya mula sa pagkakadukdok sa mesa. Pawisan na ang noo nya at namumula ang mukha.

"S'an mo nga pala s'ya balak dalhin?" nakapangalumbaba na tanong ni Libby habang sinisikap kong pabangunin si Natalie. "Coz, you know-"

"May bahay ako sa malapit, don't worry hindi 'yon alam ng lolo ko." inilabas ko ang panyo ko at pinunasan ang mukha ng pawisan na si Natalie. "Sweetie where are your shoes? Uuwi na tayo, gumising ka na d'yan."

Inabot sa'kin ni Libby ang isang pares ng sapatos na tinanggap ko ng hindi inaalis ang tingin kay Natalie. Ibinaba ko muna iyon saglit bago ko iniangat ko ang ulo n'ya upang punasan maigi ang pawisan din niyang leeg. "Wait, Caleb, I think you should know—"

"What the actual fuck?!" ibinaling ko ng husto ang mukha ng girlfriend ko upang sipatin ko ang namumulang sugat sa mukha n'ya. "Is this what I think this is? Sino'ng nanakit kay Natalie?!"

"Sa totoo lang hindi ko pa alam, she was about to tell me but she passed out." nakangiwing sagot nito.

I cursed under my breath. Who could've done this to her? Napaaway ba s'ya bago dumating si Libby?

"Actually.."

Mabilis na tumingin ako sa babae. "She mentioned your.. Fiancee."

Noon na tila umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko. Kung hindi lang ako nagaalala sa kalagayan ni Natalie ay nais ko nang magwala. Humigpit ang kapit ko sa gilid ng mesa at huminga ako ng malalim. That dumb fuck! I pulled my girlfriend against my chest and kissed her hair. "I'll deal with that wench. Iuuwi ko muna si Natalie. She needs to rest."

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now