Chapter 23

17.5K 550 39
                                    

Natalie

"H'wag mong sabihin sakin na may balak kang makipagkita sa lalaking 'yon?"

Painosenteng tumingin ako kay Libby habang nagdidinner kami sa condo ko. "Ano bang sinasabi mo?"

"Naku, Natalie!" ibinaba niya ang mga kubyertos niya. "Don't act as if I don't know you, okay? Kilala kita! Simula nung nakita natin sila Axel sa coffee shop natahimik ka na! Akala mo ba ikaw lang ang nakarinig ng sinabi ng kumag na 'yon? Hello! Hindi bingi si Caleb, narinig din niya."

Napayuko ako sa pinggan ko. I am not actually thinking that I should talk to him, right? Dapat isantabi ko na lahat ng thoughts ko tungkol kay Axel. May Caleb na kaya ako!

Pero kase nung makita ko yung lungkot sa mga mata niya.. Hindi ko maiwasan ang maawa. Gusto kong lapitan siya at yakapin para maalis ang lungkot na iyon. What is Heather doing to him? Para bang nginangatngat at hinihigop ng babaeng iyon ang kaligayahan sa katawan ni Axel.

I couldn't stand seeing him like that!

"Axel has Heather now. You have Caleb!" she tossed her hair. "Gaga ka, ang swerte swerte mo na kay Caleb, wag kang umarte dyan! Sasabunutan talaga kita!"

"Hindi naman kase sa ganun.."

"Kawawa si Caleb, Natalie." tumingin siya ng diretso sa mata ko. "That guy will take a fucking bullet for you! Nakita mo ba kung paano siya tumingin sa'yo? He's nuts for you, Natalie! Don't go breaking his heart! Wag mo siyang lokohin!"

"Hindi ko sya lolokohin!" protesta ko.

Hindi ako ganung klase ng babae. Ang akin lang, naaawa ako kay Axel at gusto ko siya makausap. Gusto kong malaman kung ano bang lagay ng kondisyon nila ni Heather.

"Masasaktan siya pag nalaman niya ang binabalak mo."

"Wala akong gagawing masama, Libby. Gusto ko lang makausap si Axel!"

Napatayo si Libby at tinitigan ako ng masama. "Sana kung hindi ka pa sigurado, hindi ka muna umoo kay Caleb, Natalie! Pero nakikita ko naman na gusto mo talaga siya eh. You want him." aniya. "Ito lang ang sasabihin ko sa'yo.. Nasa sa'yo na 'yung taong kaya kang paligayahin habang buhay, wag mo nang pakawalan pa. Don't screw it up. Okay?"

---

Napatingin ako sa gilid ko habang tinatapos ko ang isang portrait painting inorder sakin. I saw Caleb wrapped up in his laptop. Sa kagustuhan ng lalaking ito na i-spend ang araw niya na kasama ako ay dinala na lang niya ang trabaho dito. He gazed up at me and gave me a boyish grin.

Ang sarap sarap niyang panuorin habang nakasalampak sa sahig. Ang suot niyang long sleeve ay bukas ang limang butones at nakarolyo ang manggas hanggang sa siko. May kaunting bahid din ng pintura ang harapan niyon dala ng biglang pagyakap niya sa'kin kanina noong dumating siya.

Tumitig ng maigi sa'kin si Caleb. Then, he scooted closer to me. Isinandal niya ang ulo niya sa hita ko—nakaupo ako sa isang stool. "There, that's better." he said.

"But I can't see your face!" mahinang ungot ko.

Tumingala siya at ngumiti muli sa'kin. "You should concentrate on what you're doing. You shouldn't be staring at my face. Baka mukha ko ang maipinta mo riyan."

Natawa na lang ako at bumalik sa pagpipinta. Iginalaw niya ang ulo niya sanhi para makiliti ako ng konti sa buhok niya.

"I just wanna feel you near me, it relaxes me, you know." he said softly.

Napangiti naman ako. Ang sweet talaga ng boyfriend ko! Kung hindi lang ako puno ng pintura, yayakapin ko siya. Kaya lang ayoko nang madagdagan ang mantsa sa damit niya, mukha pa namang mamahalin!

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now