CHAPTER 1: New Day, New Life and New Start

18.9K 454 25
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧

=================}•>♥<•{==================
Breathe by Mackenzie Ziegler♪


Chapter 1

Riley's P.O.V

Today magsisimula ang pasukan namin and i'm a now a Grade 10 student, section ko is siyempre sa first section.

Hindi strikto ang mga rules and regulations at very active performing school ito and i'm proud na isa ako sa mga nag-aangat sa pangalan ng aming paaralan.

Sus! Mayabang na ba ako?

Sakto lang ang pamumuhay namin, si papa ay teacher sa isang elementary school sa katabing barangay namin at si mama ay teacher rin sa secondary level, hindi kalayuan sa amin.

Tanggap ako ng aking pamilya, basta daw mag-aral ako ng mabuti.p

"Ma! Pa! Pasok na po ako!" Paalam ko rito matapos makapag almusal.

"O sige, ito baon mo, galingan mo sa school ah."

"Opo, salamat po, bye!" Nasa daan ako at iniisip ang mga mangyayari this day, although makikita ko pa naman ang mga dati kong classmate at lalo na ang mga kaibigan ko.

sina Christine at Wilma.

Malapit na ako sa gate nang biglang may nabangga ako, medyo malakas ang pagkakabundol namin sa isa't-isa kaya muntikan na akong matumba.

"Sorry." Paghingi ko ng tawad dito pero nakakunot lang noon nito.

Napatingin ako sa taong nakabangga ko, may panyo ito sa ulo, maputi, matangkad at ang cute ng mga mata.

Transferee kaya 'to?

"Tignan mo kasi ang dinadaanan mo, okay?" Hindi ko inasahan na sasabihin sa akin.

Medyo na-offend naman ako sa sinabi nito kaya napasumbat ako pabalik sa kaniya.

"Excuse me? Tinitignan ko dinadaanan ko at saka wag kang piling hari sa daan, okay?(*eye roll)." Once na may nanggago sa akin ay wala ng tigil itong bunganga ko, ako na nga lang humingi ng tawad ganiyan pa makaasta.

"Bakit ikaw pa ang magagalit?" Sa sobrang kunot na siguro ng noo ko ay mukha na akong na-crampled na paper. Naririnig niya ba sarili niya?

"Eh, ako na nga yung muntikan matumba, nag-sorry pa ako tapos sasabihan mo pa akong 'tanga'?" Sunud-sunod na sumbat ko rito. Napa-kunot noo na ito at sumasama na ang tingin sa akin, akala mo natatakot ako?

"Oh? Makatingin ka sa akin ng masama ah? Tinatakot mo ako? Tusukin ko mga mata mo eh(*walk out)" Kala mo kung sino, piling gangster mukha namang palaka.

Hindi sa mayabang pero kahit na excellence at conduct awardee ako eh hindi na ako puwedeng magkaroon ng bad sides, lalo na kapag yung iba nirereklamo ang pagiging masungit ko which i take as a 'compliment' by the way.

Last year nga nagkaroon ako ng record sa SSG o Supreme Student Government dahil binasag ko yung bote sa ulo ng kaaway ko pero as early as now iniiwasan ko na yang mga iyan, teacher pa naman mga magulang ko.

Nakakatuwa din minsan na marami tao dito na napagkakamalang 'tomboy' daw ako, haha mukhang babae, ganon? Char!

"Riley!!! T*ngina mo!" Akala ko ay mapapaaway na naman ako dahil minura ako.

Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na iyon, si Christine!(Xtine) pala, napayakap na din ako sa kaniya, paano ba naman kasi sa buong summer vacation eh hindi kami nagkaroon ng communication haha.

Aksidenteng Nabihag si Mr. Gangster[BXB]Where stories live. Discover now