CHAPTER 20: Revenge I

4.1K 189 18
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧

=================}•>♥<•{==================
Dangerous Woman by Ariana Grande♪

Chapter 20

Third Person's P.O.V

Normal lang ang sitwasyon sa classroom mula nang magbalik si Riley, pasulyap-sulyap na lamang ang nagagawa ni Reymark kay Riley.

Ang kumakausap na lamang kay Reymark ay si Christie pero hindi niya ito pinapansin.

Aksidenteng nahulog ni Riley ang mga libro niya at tinulungan ni Reymark pero itinaboy niya lang ito.

"L-Let me help you."

"No, i can manage." Saad nito ngunit hindi man lang niya ito nilingon man lang

"Marami kang dala, let me help you." Napilitan namang lingunin si Reymark dahil naiirita na siya dito.

"I don't need your help, take the hint."

Tinitigan niya ito ng mariin saka nilagpasan si Reymark. Hinanap na lang niya ang locker niya ngunit isang bagay ang tumambad sa kaniya, mga litrato nila ni Riley na masayang magkasama.

May mga oras na gustong lapitan ni Reymark si Riley pero wrong timing, palagi niyang kasama si Axel, minsan si Isaac. Nagkakaroon ng matinding selos sa loob niya.

"Okay."

Bulong nito sa sarili.
-----

Tumunog ang bell na hudyat para sa breaktime, ngunit may pinaplano na pala si Riley.

"Guys, mauna na kayo, sunod na lang ako." Paalam nito sa kanila, ginalingan nito sa pagiiba ng kaniyang ugali.

"Bilisan mo ah."

"Oo."

May inilabas siyang mga papel na may larawan ni Christie na edited, balak niya itong ipaskil sa mga walls. Palihim niyang inilagay ang mga ito sa folder at naglakad na para bang hindi talaga halata. Nang wala nang masyadong tao ay agad niya idinikit ito ng sunod-sunod.

"Hihi, a little step goes a long way but it's okay."

Reymark's P.O.V

Galing ako sa library para kunin yung libro na para sa Science namin, sa 'di inaasahan ay nagkasalubong kami ni Riley. Those cold-eyes stared at me like i am just nobody.

Umalis ito agad papuntang canteen.

Habang naglalakad ay napansin ko ang mga nakadikit na mga litrato ni Christie na may nakasulat 'Bitchy Sl*t'

"Reymark, i've loo-..."

Napatitig at napanganga siya kaniyang nakita, her expression cringed at that moment, isa-isa niyang pinunit ang mga ito, mangilan-ngilang estudyante ang nakakita nito.

"What are you all lookin' at?! Huh?!" Bulyaw niya sa mga ito saka sila nagsialisan.

"Christie, calm down..."

"How could i possibly calm down?! Knowing na may naninira sa akin, humanda sa akin kung sino man 'yun."

Sabay na lang kami pumasok sa room, kanina pa nagngingit sa inis at galit si Christie. Sino namang tao ang may galit kay Christie ang gagawa ng ganun na bagay?

Unang pumasok sa isip ko ay si Riley, pero mabait na tao yun. Hindi niya kayang gawin ang mga ganung bagay, kahit na naaapi na siya.

Palihim ko na lang siyang tinititigan na masayang nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Nung nasa piling ko pa siya, all i did was make him cry and sad.

Aksidenteng Nabihag si Mr. Gangster[BXB]Where stories live. Discover now