CHAPTER 10: Permissions

4.8K 207 3
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧

=================}•>♥<•{==================
♪Mine by Taylor Swift♪

Chapter 10

Riley's P.O.V

"RILEY!"

Napalingon kami kaagad ni Reymark sa aking likuran. Si mama, sh*t! Nakita niya kaya kanina?

"Ma?"

"Anong ginagawa mo dito sa labas at saka gabi na ha, saan ka ba galing?" Saad nito na ikinataas ng kaniyang kilay.

"Ah may dinaanan lang ako." Tumingin ito sa likuran ko sabay nguso sa likuran ni Reymark na nasa aking likuran. Tss, sabi ko kasing umalis na eh.

"Sino 'yang kasama mo?"

"Hi po tita, good evening po." Nahihiyang sambit nito.

"Good evening din hijo." Bati din ni mama habang kinikilatis si Reymark.

"Ma, si Reymark po." Medyo naningkit ang mata ni mama at parang may nakikitang kahina-hinala.

"Pumasok muna kayo at dito ka na din mag hapunan hijo." Mahinahon pero ramdam ko ang awtoridad sa boses nito. Tuluyan nang pumasok ito sa loob at sumunod na lang kami.

"Yan tuloy nakita ka ni mama."

"Wala tayong magagawa kay mama." Sabi nito

"'Mama'? Anong 'mama' ka diyan." Sabay siko sa kaniya.

"Dun din naman tayo pupunta 'di ba? Papakasalan kita (*wink)." Pakiramdam ko tuloy ay nag-iinit ang aking mukha sa sinabi niya.

"Charot, ang cheesy mo, nakakainis." Tumawa lang ito at kinurot ng bahagya ang aking pisngi. Nang makapasok ako sa bahay at nanduon din si papa. Naging triple ang kaba ko ngayon.

"Good evening po tito."

"Good evening din hijo, halika at dito ka na kumain, kaibigan mo anak ko?" Ani papa

"Manli-..." Nanlaki mata ko at mabilis na tinakpan ang kaniyang bibig. Halos sumabog dibdib kong flat sa kaba, 'muntikan ka na Reymark'.

"Ahahaha kain na po tayo." Hinila ko sa siya table katabi ko siya. Magkatabi naman sina mama at papa

Hmm sarap naman ng ulam, adobong manok, paborito ko ito. Kumain lang kami ng kumain, minsan tinatanong nila mama si Reymark about sa school and family niya.

Minsan kinakalabit ako ni Reymark parang humihingi ng tulong sa mga itinatanong ni mama pero hindi ko pinansin, bahala siya diyan.

Pagkatapos kumain ay niligpit ni mama mga pinagkainan namin.

"Anak at Reymark hijo, mag-usap tayo." Nagkatitigan pa kami ni Reymark sa sinabi ni mama, ayan na, wala na kaming takas.

"Ano pong pag-uusapan natin ma?"

"So, anong meron sa inyong dalawa." Ano ba si mama, ang straightforward.

"Ah wa-..." Ngunit pinutol niya ang sasabihin ko.

"Nililigawan ko po siya." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Lupa bumuka ka at lamunin mo na ako ngayon din. Nakakahiya at nakakakaba, yumuko lang ako.

"Really? Seryoso ka ba talaga sa anak ko?"

Aksidenteng Nabihag si Mr. Gangster[BXB]Where stories live. Discover now