CHAPTER 9: Are you Happy?

5.1K 210 2
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧

=================}•>♥<•{==================
♪My Songs Know What You Did In The Dark♪
by Fall Out Boys

Chapter 9

Riley's P.O.V

Kanina pa ako nakatunganga dito sa kama, katatapos ko lang maligo. Nakiligo ako kina Axel Wayne, yung tinamaan ko ng bola.

Kapal eh no? Nakikiligo sa ibang bahay eh. Napilitan pa akong makihiram ng damit kasi puro mantsa damit ko. Para tuloy akong hanger sa itsura ko.

Nagpakilala bago ako idinala dito sa bahay nila. Kanina pa ako nagiisip kung bakit nila ginawa sa akin 'to.

May ginawa ba akong mali?

Pakiramdam ko ang laki ng galit ng mga tao sa akin. Ano ba ang rason ng taong nagplano nito?

Pwede naman kasi ako kausapin eh, 'di naman kailangan ng public humiliation or something.

"Are you okay now?" Biglang pumasok si Axel at pansin ko ang sympathy sa mukha niya, anong meron?

"A-ah oo kanina pa, salamat ah, naabala pa kita." Awkward silence kaya naman binasag ko na, kanina pa ako naiilang.

"Ganun na lang ang galit ng mga tao sa akin, dahil ba bakla ako? Dahil ba mali ang relasyon namin ni Reymark sa paningin nila?" Hindi ko maiwasang maiyak dahil dun.

"Puwede naman nilang sabihin sa akin ang problema nila sa akin at balak ko namang magpaliwanag eh..."

"Hey, don't cry...." Sabi nito sabay alo sa akin.

"Sorry hindi ko maiwasan eh, truth hurts and reality bites."

"Um...Riley, i-i want to t-tell you something." Ba't parang kinakabahan pa siya, pero parang may napapansin nga ako sa kaniya that bothers him.

"May problema ba?"

"About sa nangyari sa'yo...uh...a-ako ang....ako ang may pakana nun..." Hindi agad ako nakasagot dahil sa inamin niya.

"Y-You what?" Nag-iinit na naman mga mata ko dahil sa nangyari, ipahiya ba naman ako on purpose sa school.

"Im sorry, nadala lang ako..."

"Nadala saan? Dahil?" Dahil ba natamaan ko yung put*ng inang ari niya? Put*anginang itlog 'yan.

Bigla na lang napuno ng galit ang loob ko. I want to punch his face right now ngunit pinipigilan ko ang aking damdamin. I hate him.

Yumuko na lang ako para 'di niya makita yung mukha ko. Sana nga masaya na siya sa ginawa niya.

Awkward Silence.

"Are you happy about it?"

"Riley, siyempre hindi-..."

"Gag* ka, hindi ka pa masaya?! Wow ha?! Sa ginawa mo hindi ka pa talaga masaya."

"Riley..."

"Buti na lang hindi kita tuluyang kinaibigan, baka tuluyan mo na nga akong niloko." Tumayo na lamang ako at umalis sa bahay ng demonyong tumulong sa akin sa school na siya din pala ang may kagagawan.

Sinubukan kong tawagan si Reymark at hindi nagtagal ay sinagot niya ang tawag ko.

"Reymark nasaan ka?"

"Riley, nandito ako sa harap ng gym." Napakunot naman ako sa sinabi niya, nilayasan niya ako para pumunta lang ng gym?

"Gym? Ano ginagawa mo diyan?"

Aksidenteng Nabihag si Mr. Gangster[BXB]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα