CHAPTER 22: We Used To Be

4.3K 172 13
                                    

DISCLAIMER: Hindi po ako professional na writer kaya expect niyo na hindi talaga ganun ka-pulido ang aking nga gawa.(◕ᴗ◕✿)

I'm just a writer who write what i have in mind and heart. (。•̀ᴗ-)✧

=================}•>♥<•{==================
♪I Still Believe by Hayden Panettiere

Chapter 22

Riley's P.O.V

Matapos ang nangyari sa isang kaibigan ni Reymark, napag-isipan kong dalawin ito. Oo, ako ang dahilan kung bakit naaksidente ang isang kasamahan ni Reymark, after naming mag-lunch ni Isaac ay dumiretso ako sa school nila, pumuslit ako at pinuntirya ang kaniyang sasakyan.

After ng klase namin ay binisita ko eto, pumunta ako sa counter ng hospital kung saan siya dinala.

"Uhm...Alex Reyes po."

"Kaanu-ano niyo po sir?"

"Uhmm kaibigan po."

"Room 245 po."

I thanked her and walked immediately to the room where Alex is, it's been weeks bago maging stable ang vitals niya. Habang papalapit ako sa kuwarto niya ay biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko at bumibigat ang mga hakbang ko. I still have the guts to visit him kahit na ako ang dahilan kung bakit siya nakaratay ngayon sa hospital.

Nang makatapat ako sa pintuan, nasilayan mula sa bintana ang nakagising na si Alex habang nagse-cellphone. I entered the room at bakas sa mukha niya ang gulat at takot.

"A-ano ginagawa mo dito?"

"Alam kong alam mo na ako ang dahilan kung bakit nasa hospital ka ngayong dalawa ni Julius."

"Please, i-i don't want any t-trouble p-please..." Pagkasabi nito ay agad nagsipatakan ang kaniyang mga luha. Talagang nakakaawa ang itsura niya ngayon dahil sa brace sa kaniyang leeg at mga nakasementong binti nito at kamay na nakabalot ng bandages.

Tanging mahihinang hikbi at hinga ni Alex ang tunog ng kuwarto, ilang minuto pa ay tumahan na rin ito.

"I'm sorry kung bakit ka nandiyan ngayon, alam mo naman kung bakit ko ito ginawa, i know you understand me." He slowly turned to my direction.

"I-I should be the one to a-apologize..."

Katahimikan ang namagitan sa amin, tanging tunog lamang ng monitor ang naririnig. Medyo dumidilim na kaya napagpasyahan kong umuwi na. Habang tinititigan ko ang mukha niyang may mga pasa ay mas lalo akong nakokonsensya, what has been done is done.

"Sige alis na ako, i'm sorry ulit and get well soon."

"Riley..."

"Hmm?"

"Si Christie."

Biglang napintig tainga ng marinig ko ang pangalan ng bruhildang yun. Picturing her in my mind na pinapatay ko siya. Kung hindi lang siya eksenadora edi hindi sana magiging ganito ang takbo ng buhay ko.

"What about her?"

"Siya ang puno't dulo nito."

Nagtaka naman ako sa sinabi nito, anong ibig niyang sabihin?

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Siya ang nag-utos sa amin para puntiryahin ka at saktan ka."

Biglang nag-alab ang damdamin ko sa aking narinig, ibang tao ang sinaktan at pinahirapan ko. All this time it was Christie.

Galit, sobrang galit ang aking nararamdaman sa mga oras na ito, biglang nawala sa katinuan ang aking pag-iisip at tanging gusto ko lang ay puntahan si Christie.

Aksidenteng Nabihag si Mr. Gangster[BXB]Where stories live. Discover now