Chapter 13: First Mission

92.6K 4.7K 843
                                    

KASALUKUYAN akong nag-aayos ng gamit ko na dadalhin sa pagpunta namin sa Pampanga

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KASALUKUYAN akong nag-aayos ng gamit ko na dadalhin sa pagpunta namin sa Pampanga. Pabalik-balik din si Mild sa kwarto ko sa kung ano ba ang dapat niyang dalhin. "Jamie, sa tingin mo, which one taste good? Itong stick-o na chocolate flavor o yung buko pandan?" Tanong niya sa akin. "Hindi kasi kasya sa bag ko yung dalawa so I need to sacrifice one."

She's not asking about the essential things na dapat niyang dalhin, karamihan nang tinatanong niya ay tungkol sa pagkain. Kanina ay tinanong niya ako kung alin ang mas masarap sa Piattos at Chippy. "Seriously, Mild, fieldtrip ba ang tingin mo sa gagawin nating misyon?" Tanong ko at inilagay ang isang damit sa aking bag.

Mild laughed at me, she's really a weirdo but in a nice way. Sa totoo lang ay nae-enjoy ko rin naman kapag kasama si Mild. "You know what, you're too serious about the mission! Just enjoy everything," Sabi niya sa akin. "Dapat nga ay hindi ako kasama sa misyong ito dahil hindi ko pa naman nalalaman ang ability ko pero para hindi ka mailang na puro lalaki ang kasama mo sa misyon, sinama ako ni sir."

Isinara ko na ang bag ko at naihanda ko na ang mga dapat dalhin para sa pagpunta namin sa Pampanga. Baka tama si Mild, masyado akong nag-o-overthink patungkol sa misyon. I sighed. "Chocolate flavor, mas masarap ang chocolate ke'sa sa buko pandan." sabi ko sa kanya.

Mild smiled at me, bumalik siya sa kwarto niya at mukhang nag-aayos na rin siya ng gamit niya. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at pinagmasdan ang kisame, I am glad to be back at Class zero. Pero at the same time ay iniisip ko ang sinabi sa akin ni Lupin... Sana ay sa susunod na magkita kami ay malakas na ako, kaya ko nang tapatan ang kanyang kakayahan at kaya ko nang protektahan ang mga tao sa paligid ko.

Ilang araw na ang nakakalipas simula nung malaman ko ang activity ko, kahit papaano ay nasasanay naman na akong gamitin ito. Kaya ko ng pigilan ang sarili ko na mabasa ang nilalaman ng isang tao. I don't want to know what's running on their minds, I don't want to invade their personal privacy.

Bago matapos ang gabi ay tinawagan ko ang magulang ko at nagpaalam ako na hindi ako makakauwi ngayong weekends dahil na rin sa mga projects na dapat tapusin. Siguro naman ay ayos lang magsinungaling sa pagkakataong ito dahil white lies naman iyon, isa pa, hindi naman maaari na malaman ng ibang tao ang tungkol sa mga activities na ginagawa ng class zero.

***

PAGKAGISING ko pa lang ay puro text na nila Aris, Diana, at Casey. Ang alam kasi nila ay may a-attend-an akong seminar sa Pampanga and they all texting me to have fun and enjoy my stay there, nakaka-touch nga, eh. Sana next time ay makasama ko sila sa mga pupuntahan ko.

"Jamieee! Bilisan mo kumilos, ikaw na lang ang hinihintay doon!" Narinig kong sabi ni Kiryu at dire-diretso siyang naglakad patungo sa aking kwarto. Hindi naman siya kasama sa misyon pero siya itong mas excited pa sa akin.

"Eto na, mag-aayos na lang ako." Sabi ko habang sinusuklay ang basa kong buhok at nakaharap sa salamin. Na-late ako nang gising dahil bwisit si Mild, sabi niya ay gigisingin niya raw ako kung kaya't hindi ako nag-set ng alarm... pero ang bwisit, hindi ako dinaanan sa kwarto.

Si Kiryu na ang nagdala ng mga gamit ko at naglalakad kami papunta sa parking lot. Isa rin si Kiryu sa pinaka naging close ko sa class zero, he's approachable. Well mabait din naman ang kakambal niyang si Kiran kaso mas madalas ay nakatahimik lang ito.

"Mag-iingat kayo ro'n, Jamie," sabi niya sa akin at napangiti ako. "When you come back here at Merton, dapat kuwentuhan mo ako sa mga cool experiences mo doon." Sabi niya. Inabot sa akin ni Kiryu ang gamit ko at nagpaalam na siya.

Pagkasakay ko pa lang sa mini bus na sasakyan namin ay sumalubong agad sa akin ang nakasimalmal na mukha ni Seven, as usual, sobrang bugnutin ng lalaking ito at sobrang bilis mainis. "Napakabagal mo," see? Reklamo niya agad ang sumalubong sa akin.

"Jamie," Ace raised his hand. "Dito ka sa tabi ko umupo." Pagpiprisinta niya.

Ace is nice... To every girls in Merton Academy. Sobrang flirty ng ugali niya, although, minsan nababaitan ako sa kanya. "Thank you pero may usapan na kaming dalawa ni Mild na tabi kami sa upuan." Sabi ko sa kanya.

Masama kong tinitigan si Mild na tumatawa ngayon. "Buti nagising ka pa, Jamie," sabi niya sa akin.

"Sabi mo gigisingin mo ako," sabi ko at umupo sa kanyang tabi.

"I forgot." Sagot niya sa akin.

Ngayong nandito na kaming lima, ready na kaming umalis. "Who knows how to drive?" Tanong ni Ace sa amin, mabilis akong umiling dahil kahit nga bisikleta ay hindi ko kayang gamitin, eh.

"I know how to drive," Mild raised her right hand at nagsimulang gunapang ang kaba sa akin, the last time na nagmaneho si Mild ay pakirandan ko ay anytime ay kukuhanin na ako ni Lord.

"Please, no!" Sigaw ko at napatingin sa akin si Mild.

"Ako na lang," pagpiprisinta ni Kiran. "It will be an ungentleman move kung ang babae ang magmamaneho." Pumwesto si Kiran sa driver's seat.

Nagdasal muna kami na maging safe ang biyahe namin dahil malayo-layo rin ang Pampanga. Wala rin kaming kasamang teacher for this mission kung kaya't sana maging okay ang lahat.

Kiran started the engine and Ace shouted happily.

Si Mild naman ay medyo nagtatampo sa akin. "Hey I know how to drive!" Protesta niya.

"But you don't know how to drive safely. Nung nakaraan ay halos ilang kanto lang ang layo nang pupuntahan natin pero naligaw pa tayo." Sabi ko sa kanya, kinuha ko ang isang pack ng pochi sa bag ko at inalok siya. Mabilis na nawala ang inis ni Mild at kumuha ng pochi.

It looks like na nahawa na ako kay Kiryu sa pagiging favorite ang matatamis na pagkain.

Pagkalabas namin ng school ay naging smooth ang biyahe, maaga-aga pa naman kung kaya't wala pang masyadong traffic sa EDSA. Malakas na 'Like Me Better' na tugtog ang umaalingawngaw sa paligid at napapatango-tango kami ni Mild dahil nakikisabay kami sa tugtog. Samantalang si Ace naman ay kumakanta.

We're all having fun at napatigil kaming lahat nung biglang patayin ni Seven ang radyo. "Ang ingay," he said at napairap ako sa ere. "Okay i-discuss muna natin ang misyon na gagawin natin."

"Pupunta tayo ng Pampanga, and then, bahala na." Sabi ni Ace. They have the same mindset ni Mild, mas gusto nilang pumunta sa isang lugar na wala silang kaplano-plano. In short, bahala na si Batman.

"We can't go there without any plans." Sabi naman ni Kiran, tumingin siya sa mirror para magtama ang aming mata. Mabuti na lang at smooth driver itong si Kiran kung kaya't hindi nanganganib ang buhay ko unlike Mild na buong biyahe ay may kaba sa puso ko.

"The first thing that we will do, maghanap ng Hotel na matutulugan," sabi ni Seven sa amin kung kaya't napatango-tango.

"We will also need to ask the people around San Fernando kung may na-e-experience ba silang kakaiba in these past few days," dugtong naman ni Kiran. Sineseryoso talaga nilang dalawa ang task na ibinigay sa amin ni sir Joseph which is a good thing.

"We can have fun while we're doing it pero huwag nating kakalimutan na misyon ito. Jamie, always remember na kailangan mong makakuha ng impormasyon sa Lawbreakers kung totoo ngang mayroon sa lugar." Paalala sa akin ni Seven.

Pinag-usapan pa namin ang maraming bagay. Hindi naman kami pinaghigpitan ni Seven na gawin ang mga gusto namin basta huwag namin makakalimutan ang goal namin.

Binabaybay na namin ang kahabaan ng NLEX at nagiging smooth ang biyahe. Ang dami naming napagkwentuhan ni Mild na mga bagay-bagay. Pampanga, papunta na diyan ang Class zero.

Class ZeroWhere stories live. Discover now