Chapter 35: Getting better

73.7K 4.1K 1.9K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ILANG araw na ang lumipas simula nung naglaho si Casey, saglit ko ring nakalimutan ang tungkol dito nung umuwi ako sa bahay dahil nakasama ko ang pamilya ko. That vacation after the midterm exam is a healing for me. Oo, masakit pa rin kapag naaalala ko ang pagkawala ni Casey pero igaganti ko siya sa Black Organization. Alam kong katarungan lang din ang gusto ni Casey para sa sarili niya.

Suot-suot ko ang school uniform namin at nagmamadaling pumunta sa college of science, ngayong araw kasi ira-rank ang mga estudyante na nag-excel sa exam. Every year level ay inira-rank ng school. Hindi ko nga alam kung bakit may ganito pa dahil parang discrimination lang pero at the same time, nakakadagdag din thrill sa pag-aaral dahil siyempre gugustuhin mong umangat ang rank mo dahil sa pagiging competitive.

Habang tumatakbo ako ay nakita ko sina Aris at Diana na naglalakad din papunta sa college namin. Umangkla ako sa magkabilang balikat nila na ikinagulat nila. "Jamie, te, ang bigat mo." Reklamo ni Aris. "Baka magka-muscle ang sexy body ko." Dugtong niya pa na ikinatawa naming dalawa ni

"Jamie, okay ka na ba?" Nakatingin sa mata ko si Diana at bakas ang pag-aalala rito. In the past few days, parati talaga nila akong sinasamahan maging ang class zero... siguro ay nakatulong na rin ito para mabilis akong maka-recover sa nangyari.

"Papunta na sa okay," pag-amin ko sa kanya at napangiti naman siya. "Uhm... yung Casey na sinasabi ko sa inyo, kahit hindi ninyo pa man din siya nakikita ay sana ituring ninyo siyang kaibigan." nakangiti kong sabi sa kanila.

"Oo naman girl! Kung sino ang kaibigan mo ay kaibigan na rin namin!" Magiliw na sabi ni Aris, nakalimutan man nila si Casey ay alam ko sa mga puso nila ay mananatili ang aming kaibigan. 

Casey's existence may be forgotten but the memories that we cherished together, mananatili iyon lahat sa aking puso.

"Ngayon na pala ang posting ng ranking, 'no?" Pag-i-inform ni Diana sa amin. "Kinakabahan ako sa maaaring maging resulta." sabi niya sa amin.

"Let's go na?" Tanong ko sa kanilang dalawa, "Ang huling makapunta sa College of Science manlilibre ng turon!" Sigaw ko and nag-uunahan kaming makarating sa building. Mukhang bumabalik na sa dati ang lahat at masaya ako roon.

Ground floor pa lang ng college namin ay ang dami ng computer science students ang nagsisiksikan para makita ang resulta sa bulletin board, nagdadalawang isip pa kami nila Diana kung makikipagsiksikan kami pero in the end ay ginawa rin namin dahil curious din kami sa aming grades.

"Excuse me, Excuse me," sabi namin habang naglalakad papunta sa harap. This is the advantage of being maliit and mapayat, easy na easy lang ang pakikipagsiksikan.

Nung nasa harap na kami ng bulletin board ay agad kong hinanap ang first year na section at tiningnan ang pagkaka-rank nito. Confident naman ako na marami akong nasagot nung midterm pero hindi ko alam kung sapat na ito para mataas ang rank na makuha ko.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon