Chapter 65: Final Exam

38.8K 2.8K 983
                                    


Short Update. This chapter will just a bridge for the next arc kaya maigsi lang.

ANONG oras na at nasa convenience store pa rin kami nina Seven at Teddy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


ANONG oras na at nasa convenience store pa rin kami nina Seven at Teddy. Si Seven ang nagtuturo sa akin sa mga Math subjects habang si Teddy ang nagtuturo sa akin patungkol sa programming. Kanina ay nandito din sina Minute at Jessica para bigyan ako ng moral support daw pero feeling ko binabantaan nila ang buhay ko na huwag dapat akong bumagsak.

"Seven, pagod na talaga 'yong utak ko," nagpaawa na ako kay Seven dahil may tatlong equation pa akong hindi nasasagutan sa test na ibinigay niya and bukas na ang exams.

"Kanina noong nandito si Minute at Jessica ay hindi ka napagod makipagtsismisan." Sagot niya at itinuro ulit ang yellow paper.

Umirap ako. "Madaling makipagtsismisan mahirap mag-aral."

"Ano?"

"Wala, sabi ko mukhang tanga si Teddy." Nakatulog na kasi si Teddy sa table dahil sumakit daw ang ulo niya sa pagtuturo sa akin. Paano ba naman kasi! Sabi niya since hindi raw magkakaroon ng hands-on activity sa exam ay baka tungkol sa flow chart for the programs ang lumabas. Grabe! Ang sakit niya sa ulo, ang dami pang shapes! Puwede namang square na lang lahat para uniform.

"Gago ka, Jamie, nadinig ko 'yon." Salita niya habang nakadukdok pa rin sa table.

Naalala ko bigla ang papel na ibinigay sa amin ni sir. Paano niya naisip na magagawa namin ang mga bagay na iyon? Ibinaba ko ang ballpen at pumangalumbaba sa lamesa.

"Sa tingin mo, magagawa natin 'yong pinagagawa ni sir?" I asked Seven

Seven crossed his arms. "Naniniwala si Sir na kaya natin. We must do it. If we want to win against the Black Organization, kailangan ay patuloy nating i-improve ang kakayahan natin."

"Ano bang nakalagay sa papel mo?"

Seven put the ballpen in my hand. "Huwag mo akong nililibang. Mag-solve ka diyan." Buwisit, napansin niya pala na gumagawa lang ako ng way para makalusot.

Inabot pa kami ng ilang minuto sa pagso-solve bago namin napagdesisyunan na bumalik na sa Merton Academy. Sa totoo lang ay kumpiyansa na akong makakapasa ako dahil buong Class Zero ang tumulong sa akin. Kapag nag-focus naman kasi ako sa isang bagay ay sure na nagagawa ko katulad na lamang noong midterm.

"May three weeks vacation tayo after this semester, excited na akong umuwi sa amin!" Teddy shouted happily. Ang tagal ko na ring hindi nakikita sina Mama, nagkaka-text at nagkakatawagan kami pero dahil busy ako sa Class Zero at sa pag-aaral... maiiksing palitang ng messages lang iyon.

"Limang buwan na rin pala ang nakakalipas simula noong nangyari ang gulong ito, 'no?" Hindi ko maiwasang alalahanin ang napakaraming nangyari sa maiksing panahon

"Kung saan-saan na rin tayo nakarating," Teddy said. "Limang buwan na, pero hindi pa rin kayong dalawa. Awit sa inyo."

Siniko siya ni ni Seven at napatawa si Teddy. Siraulo talaga 'tong Teddy Bear na 'to. "After the exam, the intense training will start. As a leader of Class Zero, wala tayong sasayangin na oras. Nakita ninyo naman ang nangyari sa laban natin nila Edel... kaya natin silang labanan pero hindi natin sila kayang talunin."

Class ZeroWhere stories live. Discover now