Chapter 62: The Blind and The Steel

39.1K 3K 802
                                    

Maraming salamat sa mga readers na nag-Participate sa Tanong for Class Zero. I really enjoyed answering all your questions!

Twitter Hashtag for this chapter: #ClassZero62 (I will read your thoughts and opinion in twitter since mas active ako doon.)

MASASABI kong hindi madaling kalaban si Edel dahil bago pa man kami makasugod sa kanya ni Ace ay nakagawa na siya ng dalawang malaking Cheetah na gawa sa bato

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MASASABI kong hindi madaling kalaban si Edel dahil bago pa man kami makasugod sa kanya ni Ace ay nakagawa na siya ng dalawang malaking Cheetah na gawa sa bato.

Sa hula ko ay iyon ang kapangyarihan ni Edel, kaya niyang gawin na isang hayop ang mga bato at bigyang buhay ito. Hindi gagana ang kapangyarihan ko kay Edel pero gusto ko ay ako ang tatapos sa kanyang buhay. Pinatay niya ang isa sa malalapit kong kaibigan at pagbabayaran niya iyon.

Kakagatin ako ng Cheetah at tumalon ako sa ibabaw ng stage. Using my dagger, I tried to slash it pero hindi ito gumagana sa kanya. Nakadagan ang Cheetah sa akin at hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong. Busy si Seven sa pakikipaglaban kay Hugo at mayroon din namang kinakalaban si Ace. Si Kiryu at Teddy naman ay may mga lawbreakers na kinakalaban.

Lumalapit na sa mukha ko ang pangil noong Cheetah at nanghihina na ang braso ko sa pagpigil dito. I tried to kick it away pero hindi ito tumalab since gawa sa bato ang Cheetah na ito.

"Jamie!" Nakita ni Seven ang sitwasyon ko.

Sa saglit na pagtingin niya sa akin ay bigla siyang nasuntok ni Hugo. Tumalsik si Seven at nawasak ang bawat pader na kanyang tinamaan. There's a blood running out of his body this time.

"Magbabayad ka sa ginawa mo sa kapatid ko!" Malakas na sigaw ni Hugo.

Lahat sila... binibigyan pa rin nila ako ng atensyon kahit nasa delikadong sitwasyon na sila. Ayoko nang maging pabigat.

Lagi kong sinasabi na magiging malakas na ako but at the end of the day... nakadepende pa rin ako sa mga kasama ko at umaasa sa tulong nila.

Hindi ako puwedeng sumuko sa pagkakataong ito. "H-Hindi ikaw ang papatay sa akin!" Humigpit ang hawak ko sa dagger ko at tinutulak ang mukha ng Cheetah papalayo sa akin.

"Jamie!" Teddy shouted, he swayed his finger at bigla na lamang akong nilamon ng anino ko. Lumabas ako sa anino ni Teddy at malayo na ito sa Cheetah. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya ngunit ang atensyon niya ay nasa lawbreaker na kinakalaban niya.

"Salamat!" Sagot ko at ginawang pana ang armas na hawak ko. I can't lose this time.

Kumuha ako ng palaso mula sa aking likod at pinaka ang direksyon ni Edel. Mabilis na nahawakan ni Edel ang palaso. Ibang klase ang panramdam ni Edel dahil kahit hindi siya nakakakita ay nagawa niya itong pigilan.

"Sa tingin mo ba ay kaya mo na akong tapatan, Jamie?" Tanong ni Edel sa akin at tumakbo ako tungo sa kanyang direksyon. Mabilis kong iniwasan ang isang Cheetah niya at ginawang dagger muli ang armas ko.

Akmang hihiwain ko si Edel ngunit naiwasan niya ito. Hinawakan niya ang aking braso. Mahigpit ang pagkakahawak niya rito dahilan para mapasigaw ako sa sakit. "Hindi pa huli ang lahat para sumang-ayon sa gusto naming Black Organization. Sa oras na mabuhay si Deathevn ay hindi na natin kinakailangan magtago sa Devil hour dahil lang glitches tayo ng society."

Class ZeroWhere stories live. Discover now