Fri_20:Walang Forever

62 54 4
                                    

[Fri_20] Walang Forever

Chel's Pov
Andito ako ngayon sa loob ng bahay at naglalakad parang tingnan ang mga maid nila Knight my labs.Kainis!ang corny ko.Pero ok lang...basta kay Knight.

Habang naglalakad ay may nakita naman akong babae na naglalakad kaya lumapit ako sa kanya.

"Ate,saan po yung bar area?" tanong ko.

Tiningnan ako ng babae ng ulo hanggang paa at niyakap ako.

Nang bumitiw siya sa yakap ay dali dali siyang nagsalita.

"Heart?!!ikaw na ba yan?!!" tanong niya ng pasigaw.

Hmmm.Parang naalala ko na siya.

Si....si....ughhh di ko maalala.

"Ate,sino po kayo?hindi ko kayo kilala eh" tanong ko.

"Ano ba yan Heart...ako to...si Ate mo Princess remember?"

Nag isip ako.Siya yung ....yung ate ni Knight...si Ate Princess Mikaela Anne Cruz.

Ang slow ko talaga...siya pala yun.

"Oo Ate...naalala na kita" tugun ko at natawa na lang.

"Huy bunso...ok ka na ba?bakit ka naglalakad ng mag isa mo?dapat nasa mini hospital ka muna..." sunod sunod niyang tanong.

"Ahhh okay na po ako ate...sinabi din ng Doctor niyo na kailangan ko ding maglakad para lumakas ang katawan ko" paliwanag ko.

Tumango lang siya.

"Ahhh ate-

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nag ring ang phone niya.

"Wait lang bunso,sagutin ko lang ito" tugun niya at agad naman akong tumango.

*
"Bunso sa susunod na lang tayo magkwentuhan...I need to go" tugun niya at akmang pupunta na sa elevator nila pero may tinanong muna ako.

"Ahhh Ate wait...nasan yung bar area niyo?" tanong ko.

"Sa 21 floor bunso...punta ka na lang..ok" tugun niya at ngumiti sakin bago pumasok sa loob ng elevator.

Agad naman akong naglakad sa isa nilang elevator at pumasok dun.

Pagkadating ko dun ay dumiretso ako sa loob ng bar nila at nakita ko naman agad si Knight na umiinom ng pilit.

Para kasing ayaw niya talagang uminom pero pinipilit niya.Nababaliw na yata to.

Lumapit ako konti sa kanya,yung sakto lang at humarap sa kanya.

"Ehem" samid ko.

Agad naman siyang tumingin sakin.

"Pa-pards?" tanong niya.

"Pards bakit ka umiinom?anong nangyari sayo?may nangyari ba sayo?may nanakit ba sayo?sino?suntukin ko yun...o baka naman may nang bully sayo?Masakit ba ulo mo diyan?ako ba?ako ba may kasalanan?huy sabihin mo...sino nanakit sayo?tara harapin natin,pagtulungan natin..anong-

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil niyakap niya ako.

"Ang ingay mo" tugun niya at tumawa ng mahina.

Ene_Fri_Vers (Part 1)Where stories live. Discover now