Fri_22:Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?

71 57 2
                                    

[Fri_22] Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?

Chel's Pov
Andito pa rin kami ni Knight sa individual room ko at naka upo sa isang sofa habang nakatingin sa kawalan.

Lagpas 6pm na.Andito pa rin kami sa individual room.Halos 2 hours din kaming ganito ang position,walang nag iingay.

"Pards?are you okay now?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa kawalan.

"Oo Pards,thank you pala sa pag comfort sakin ah" pasalamat ko sa kanya.

"Welcome Pards..so,tara na?" tugun niya at inilahad sakin ang kamay na agad ko namang kinuha at tumayo.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang naglalakad.

"Sa kwarto mo..para maka pagpahinga ka na at mabawasan ang kinikimkim mong sakit" tugun niya habang pinipindot ang mga number sa elevator.

Pagdating sa kwarto ko ay humiga na ako dun sa kama ko at nabigla ako ng sumunod na humiga si Knight sa tabi ko.Problema nito?

"Huy ano ginagawa mo?" taka kong tanong.

"Bakit?bawal bang makahiga ang bestfriend ko?" tanong niya.

Umiling lang ako dun.

"Yun naman pala eh...tinawagan ko kanina si Mom..sinabi ko na dito na ako matutulog..kasi icocomfort kita" paliwanag niya habang may kinukulikut sa phone niya.

"Ahh okay" maigsi kong tugun at tumalikod sa kanya.

"Sige na...matulog ka na lang muna..gigisingin kita mamaya para mag dinner" tugun niya.

Tiningnan ko siya saglit at nginitian.

****After a few minutes ago****
Di ako makatulog,ito kasing katabi ko..nakakailang katabi.Iss.

Narinig kong nag ring ang isang phone na alam kong kay Knight dahil unfortunately hindi naman ganun angr ringtone ko.

Naramdaman kong gumalaw ang kama at alam kong tumayo si Knight dahil dun.

"Hello Mom..Yah..she's okay now...yes Mom...I promise Mom,hindi  mararamdaman ni Heart ang sakit ng kalooban niya kapag nalaman niya yun..okay mom bye,love you"

Anong ibig sabihin nun?Anong sinasabi ni Knight na hindi ko mararamdaman ang sakit ng kalooban ko kapag nalaman ko yun.ang ano?

Gusto kong magtanong sa kanya ngunit ayaw gumalaw ng katawan.Problema ng katawan ko?

"Young King,Young Lady...dinner na po" tugun ng isang boses na alam ko ay ang isa sa aming maid dahil sila lang naman tumatawag samin ng ganyan.

Naghintay ako ng magsasalita pero wala.Hanggang sa naramdaman ko na lang na may kumalabit sakin sa mukha.

"Pards...dinner na" tugun ni Knight.

Dahan dahan kong ibinukas ang mga mata ko na parang kakagising lang talaga pero ang totoo lang hindi.

"Hmmm...okay" tipid kong sagot at dahan dahang bumangon.

Pagdating sa dining area ay nakita ko sila Mom dun na parang hinihintay na lang kami.

Bago kami kumain ay nagdasal muna kami sa pasasalamat.

Ene_Fri_Vers (Part 1)Where stories live. Discover now