Fri_21:I Love You Kahit Walang Tayo

49 53 0
                                    

[Fri_21] I Love You Kahit Walang Tayo

Chel's Pov
Nakatingin ako ngayon sa bintana ng kotse ni Knight.Ang ganda talaga ng Makati.Puro building ang nakikita mo.Pero miss ko din ang buhay namin sa probinsiya..sa Isabela.Hayyy....kailan kaya kami babalik dun?

Boring naman dito sa loob ng kotse ni Knight.Ang tahimik.

Napatingin naman ako saglit sa radio ng kotse niya.Gagalawin ko na sana pero wait lang.
"Pards..pwedeng i-on ko tong radio ng kotse mo?" tanong ko sa kanya.

"Pards,huwag ka ng magpa-alam... bestfriend mo naman ako eh... lahat ng akin sa iyo na rin...pero pwera sa isa" tugun niya at itinuro ang puso niya bago bumalik ang tingin niya sa daan.

Nasaktan ako dun kaya hindi na ako tumingin sa kanya at i-non ang radio.

Pero nagkamali akong buksan.Malas naman.Nanadya ba ang tadhana?bakit yan pang kanta.Bakit yan pang favourite hugot song ko.Ayy naman.

Papatayin ko na sana pero may sinabi si Knight kaya napa atras ako.

"Huwag mo munang i-off...ganda ng kanta eh" tugun niya habang nakatingin sa daan.

Nag cross arm na lang ako at tumingin din sa daan.

Iniiwasan kong pakingan yung kanta.Buti nasa intro palang yung kanta kaya nag ready ako para hindi marinig yun.

Pero wala din akong nagawa..pinakinggan ko na lang..Paano ko pipigilan ang tenga ko..eh favourite hugot song ko yan.

Bakit nga ba mahal kita by Roselle Nava

Kapag ako ay nagmahal

Isa lamang at wala ng iba pa

Iaalay ko ang buhay

Lumigaya ka lang lahat ay gagawin

Tumingin ka man sa iba

Mag wawalang kibo na lang itong puso ko

Walang suba't na maririnig

Patak ng luha mo

Ang nag iiwang saksi

Chorus:
Bakit nga ba mahal kita

Kahit di pinapansin ang damdamin ko

Di mo man ako mahal

Heto pa rin ako

Nagmamahal ng tapat sa'yo

Bakit nga ba mahal kita

Kahit na may mahal ka mang iba

Ba't baliw na baliw ako sa'yo

Hanggang kailan ako mag titiis

Oh bakit nga ba mahal kita......

Hanggang sa matapos ang kanta ay walang akong nagawa kundi makinig na lang dun.

Hindi ko pa napansin na umiiyak na pala ako dahil dun sa kantang yun.

"Pards,why are you crying?" tanong ni Knight habang nakaharap sakin.

Kasalanan mo kung bakit.

"Wa-wala..sige tara na sa bahay" tugun ko at akmang lalabas na pero hinawakan niya ako.

Ene_Fri_Vers (Part 1)Where stories live. Discover now