Fri_23:Dumating Yung Araw Na Makalimutan Kita

71 40 2
                                    

[Fri_23] Dumating Yung Araw Na Makalimutan Kita

Chel's Pov
Nagising ako sa sigaw ng boses na alam na alam ko.Kay Knight.

Isa pa itong problema ko eh...kainis lang ah

"Oo na Pards!!!!babangon na ako!!!" sigaw ko sa mukha niya at bumangon ng pilit.

"Ano ba Pards...Ang baho!" inis niyang sigaw habang tinatakpan ang ilong niya.

Ayy putek.Sorry naman.

"Sorry naman po" tugun ko at tumakbo sa bathroom para mag tooth brush.

Pagkatapos kong mag tooth brush ay lumabas na ako at nakita naman si Knight dun na naka upo na halatang hinihintay ako.

"Tara na sa baba" utos niya at nauna ng naglakad.

Hmm.

Lumabas na din ako ng kwarto ko at bumaba na.

Nang makarating ako dun ay nakita kong naka upo na si Knight sa dining table at kumakain.Hayy naku.

Umupo ako sa tabi niya at tiningnan siya ng masama na bahagya naman niyang napansin.

"Ano?" taka niyang tanong.

"Ikaw talaga pards... kumakain ka na.hindi ka pa nagpasalamat kay Lord" tugun ko.

"Ok fine sorry" tugun niya at tumigil kumain at nag sign of the cross.

Pagkatapos naming magdasal ay kumain na kami.Tahimik lang kaming kumakain ng magsalita si Knight.

"Bilisan mong kumain..tutulungan mo pa ako" utos niya.ok siya na boss ko.

"Anong tutulungan kita?" tugun ko at uminom na ng tubig.

"Basta" tugun niya.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta ulit kami sa kwarto ko.

"Pards pwedeng mabuksan yung walk in closet mo?" tanong niya.Taka ako dun pero tumango din ako.

Pinanuod ko lang siya dun na nagkakakalkal ng kung ano ano.

Pagkatapos ng 23837822 hours ay may binigay siyang damit sakin.

"Bakit to" taka kong tanong.

"Wear that" he said while referring to the clothes.Oyy na pa english si Ate niyo.

Tiningnan ko yung damit..okay naman ito pero ang igsi ng shirts!!!

"Huy anong trip mo?" tanong ko.

"Just wear it" utos niya.

"Paano kapag ayaw ko?" tanong ko.

"Sasabihin ko kay Liam na crush mo siya" relax niyang tanong.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil dun.Kung alam mo lang.

"Ok..hmm fine" tugun ko at nagpakawala ng buntong hininga.

Taka ko siyang tiningnan dahil hindi pa siya umaalis.

"Labas" mahinahon kong tugun.

"Tsk..parang may ganun ka naman Pards" tugun niya at bahagyang ngumiti.

"Bastos ka..lumabas ka dito!!!" sigaw ko sa kanya at pilit siyang tinutulak palabas.

Nang makalabas na siya ay taka kong tiningnan ang shirt.Isusuot ko ba ito o hindi?hmm bahala na nga.

Ene_Fri_Vers (Part 1)Where stories live. Discover now