14 : Trick

42.2K 3.1K 1.3K
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Humigpit ang hawak ko sa balisong nang makitang gumalaw si Burn sa kinahihigaan. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko sa kaba nang makitang gising na siya. Huminga ako nang malalim upang ihanda ang sarili ko. Kanina ko pa siya hinihintay na magising.

"S-savi?" Naguguluhang napatingin sa akin si Burn nang hindi niya magalaw ang mga kamay at paa. Nanatili siyang nakahiga sa sofa pero hindi siya nagpumiglas, bagkus ay tiningnan niya lang ako na para bang litong-lito.

Hindi na ako nakatulog pa matapos matanggap ang tawag mula kay Inspector Gretchen. Napakaraming pumasok sa isip ko, lahat nakakabahala, lahat nakakatakot. Isang bagay lang ang naisip kong solusyon kaya naman nagtungo agad ako sa 24-hour grocery shop at bumili ng cable tie.

Masyadong masarap ang tulog ni Burn kaya wala siyang kamalay-malay nang itinali ko ang kanyang mga paa at kamay sa magkabilang haligi ng sofa. 

"Savi? Savi hindi ako makagalaw..." Naguguluhan man, wala akong nakitang galit o takot sa malamlam niyang mga mata. 

Tumango na lamang ako at nanatiling nakaupo sa dulo ng kama, nakaharap sa kanya.

"Savi ayos ka lang ba?" Nanatiling nakahilig ang kanyang ulo sa aking direksyon. Ang mga mata niya ay tila ba nakalibing sa akin.

Siya na nga 'tong itinali ko, siya pa 'tong nagtatanong kung maayos lang ba ako.

Gustuhin ko mang isipin na mabuti siyang tao, hindi ko na magawa. Ni hindi ko nga alam kung tao ba siya.

Muli akong huminga nang malalim. Itinaas ko ang hawak na balisong at sinigurado kong makikita niya ang talim nito. Nanikip ang aking dibdib sa tensyong naramdaman at alam kong nakita niya ito sa aking mga mata.

"Oras na para magsabi ka ng totoo." Malamig kong sambit.

"Savi..." Naiwang nakaawang ang kanyang labi ngunit malamlam pa rin ang kanyang tingin sa akin.

Nakaramdam ako bigla ng pagsisisi, nang pagdadalawang-isip. Mariin akong napapikit nang ilang sandali, pilit na winawakli ang aking awa para sa kanya.

Napabuntong-hininga ako nang muling dumilat. Tinatagan ko ang sarili habang nakatingin sa kanya.

"Alam kong hindi ka si Burn. Siguro nga, alam mo ring alam ko na ito. Kapwa lang tayo nagbubulag-bulagan." Pahayag ko at sa puntong iyon ay napaiwas siya ng tingin at napatitig sa kisame.

"Pero ngayon kailangan mo nang magsabi nang totoo. Kailangan kong makausap si Burn... Ang totoong Burn." Malamig at maotoridad kong sambit.

"A-ako si Burn..." Hinilig ni Burn ang ulo sa aking direksyon at muling napatitig sa akin. "Mabuti ako at hindi kita sasaktan."

Pilit kong binalewala ang kanyang huling sinabi. Inaasahan ko nang tatangi siya.

"Kayang-kaya kitang saktan kung ito lang ang paraan para malaman ko ang katotohanan." 

Hunyango (Published under Bliss Books)Where stories live. Discover now