25 : Not so lucky Savi

42.1K 2.6K 1.3K
                                    

Chapter Theme : Monster - Skillet

Chapter Theme : Monster - Skillet

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.


SAVANNA


Naramdaman kong may humahaplos sa aking pisngi.

Napasinghap ako kasabay ng aking pagdilat. Madilim, wala akong makita ngunit ramdam kong tila ba nasa loob ako ng isang umaandar sa sasakyan.

Hilong-hilo ako at walang lakas na gumalaw. Napakabigat ng aking pakiramdam. Napakurap-kurap ako at napagtanto kong nakadapa ako sa isang malamig na sahig. 

"Heal. Savanna, heal," pikit-mata kong bulong sa aking sarili.

Huminga ako nang malalim, paulit-ulit, hanggang sa bigla na lang pumayapa ang paligid. Huminto ang sasakyan!

Sinamantala ko ang pagkakataon at pilit na bumangon. Naalala ko ang cellphone na nasa loob ng de-zipper na bulsa sa aking damit kaya dali-dali ko itong kinuha. 

Sa pagliwanag ng screen, nagimbal ako dahil sa aking naaninag.

Marahas kong nilunok ang aking singhap nang makita ang aking mga kaibigan na nakahandusay sa aking paligid. Lahat sila'y hindi gumagalaw. Nasa loob kami ng isang parisukat na silid, tila ba sa likuran ng isang truck.

Binundol ako ng matinding takot nang makita si Trick malapit sa akin. Dali-dali akong gumapang patungo sa kanya at tila ba nabunutan ako ng napakalaking tinik nang maramdaman ko ang pagpintig ng kanyang pulso. Buhay pa ito at wala lang malay.

"Trick! Trick, wake up!" Pabulong kong sambit sa kanyang pangalan, pilit siyang ginigising. Kahit sina Scotty ay isa-isa ko ring tinatapik at sinusubukang gisingin ngunit walang isa man sa kanila ang nagkakamalay.

Akmang idadampi ko ang palad sa mukha ni Trick upang magkamalay siyang muli ngunit naalala ko ang nangyayari sa tuwing may pinapagaling ako. Manghihina lang ako at magiging pabigat.

Bago pa man ako makapagdesisyon, bigla kong narinig ang pagkalansing ng kadena, tila ba may nagbubukas sa kinaroroonan namin. Dali-dali kong itinagong muli ang aking cellphone at bumalik sa pagkakahiga, tulog-tulugan.

I heard the door screech open and then there were voices. Men that I don't recognize.

"Kita mo na, Sarge. Tulog pa silang lahat."

"Kailangan kong makasiguro. Kukunin ko muna ang syringe."

"Teka sandali, baka mamaya hindi na kayanin ng katawan ng mga bata!"

"Wala na akong magagawa, Delfin."

Narinig ko ang kanilang mga yapak palayo. May iba pa akong mga naririnig na boses bagay na mas lalong nagpatindi sa kaba ko. Marami pa sila sa unahang bahagi ng truck.

I opened my eyes and saw the crack of moonlight from the door's direction. It was left ajar!

Namilog ang mga mata ko sa gulat nang makita ang isang anino na kumakaway sa akin, tila ba nagmamadali at sinasabi sa aking tumakas na. Hindi ko maaninag ang mukha nito ngunit may kung ano sa presensya niyang nagpalakas ng kalooban ko.

Hunyango (Published under Bliss Books)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz