22 : Wrong place at the worst time

45.5K 2.9K 840
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


SAVANNA


"Ayon dito, kilala ang Mt. Torryn bilang isang sagradong lugar para sa mga maligno at iba pang elemento. May mga nagsasabing ito ang lagusan papunta sa kanilang mundo. Mga ritwal at kung ano pang orasyon—lahat nagiging posible sa kabilugan ng buwan, kapalit ng tamang sakripisyo."

Nakunot ang noo ko dahil sa paliwanag ni Scotty. "I've never heard of that before."

"Neither have I." Pagsang-ayon ni Scotty na mukhang kinikilabutan din sa kanyang sinasabi. 

"Bakit hindi ko alam ang tungkol dito?" Kunot-noong bulalas ni Trick kaya naman napalingon ako sa kanya at nakita siyang kunot-noo habang nakatingin sa kawalan. 

"But wait, what does that have to do with us?" tanong ko. "I mean, napakaraming tao nang umakyat sa Mt. Torryn--oh shit." Namilog ang aking mata nang bigla kong maisip ang hitsura ng buwan nang gabing nasa Mt. Torryn kami.

"Full Moon nang dumating tayo sa Mt. Torryn." Kumpirma ni Scotty kaya mariin akong napapikit sa dismaya. 

"May mga maligno pa ba doon?" Biglang tanong ni Trick kay Scotty kaya naman muli akong napadilat.

"Ayon dito sa Blog, nahahati sa tatlong uri ang mga maligno—Mga mababait na hindi ka sasaktan kung hindi mo sila gagambalain, at mga malignong sasaktan ka sa kahit na anong paraan. Sabi rito, nahuli na ang mga malignong masasama at siniguradong hindi na ito makakaalis mula sa kanilang sariling mundo, ang mga mababait naman ay nanatiling naninirahan sa Mt. Torryn." Paliwanag pa niya ngunit mas lalo lang akong nagtaka.

"Scotty those are just two. What's the third?" Tanong ko agad.

"Tayo..." Mahinang sambit ni Scotty at sa puntong iyon ay nagkatinginan kaming dalawa ni Trick.

"Scotty, anong ibig mong sabihin?" tanong agad ni Trick.

Nilibot ni Scotty ang paningin na para bang ayaw nitong may ibang makarinig sa amin. Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa aming direksyon. "As crazy as this sounds, there are people who are insane enough to want to be like them. People desperate to be powerful, even if it means becoming monsters.

"Ano bang sinasabi mo?" Naguluhan at kinilabutan ako sa sinabi ni Scotty.

"I'm glad you ask." Iniharap ni Scotty ang laptop sa sarili at nagtipa muli rito. Nang iharap niya itong muli sa amin, nasa parehong website pa rin ngunit nagpapakita na ito ng isang drawing ng halimaw na nagtatago sa likod ng matataas na halaman. Hindi man makita ang buong hitsura nito, halata ang matulis nitong daliri at nanlilisik na pulang mga mata. 

"What the duck is that?!" Lalo akong kinilabutan nang pinagmasdan ito.

"Hunyango. Mga taong uhaw sa kapangyarihan na piniling maging halimaw sa pamamagitan ng isang ritwal na isinasagawa sa kabilugan ng buwan." Paliwanag ni Scotty. 

Hunyango (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon