16 : Provoked

48.6K 2.8K 2.6K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


SAVANNA


Mula sa balkonahe, wala kaming nagawa kundi pagmasdan ang papalayong patrol car kung saan sakay si Liam at mga pulis na humuli sa kanya. Nakasunod naman sa kanila ang sasakyan ni Tito Ben. Sa sobrang bilis ng pangyayari ni hindi na namin nakausap pa si Liam.

"You really think he did it?" Tanong ni Kelsey na nakatayo sa aking tabi.

Bago ko pa man natugunan ang kanyang sinabi, bigla na lang isiningit ni Burn ang kanyang sarili sa pagitan namin ni Kelsey. Diretso ang tingin ni Burn sa kawalan na para bang nagpapatay-malisya sa ginawa.

"Liam would never do that." Tila ba siguradong-sigurado naman si Darius. 

"May alam ba kayo kung bakit si Liam ang suspect?" Tanong naman ni Scotty na tumabi sa akin. Bago ko pa man masagot ang tanong niya, biglang lumapit si Burn at pasimpleng pumagitna sa amin gaya ng ginawa niya sa amin ni Kelsey kanina.

Nakunot ang noo ko at tinangkang hulihin ang kanyang tingin ngunit patay-malisya pa rin ito.

"Guys, let's go handle the service. It's the least we could do for Sir Dalton. Bukas pa darating ang immediate family niya and Tito Ben isn't in the right mindset. Tumulong na tayo tutal cancelled ang classes ngayon." Anunsyo ni Kelsey at saka naglakad papasok sa silid. Sumunod naman agad sa kanya si Darius. Parang nagkapalit silang dalawa, si Darius na ang laging bumubuntot at tumatabi sa kanya.

"Can Liam really do that?" Tanong ni Scotty nang lumingon sa akin.

Umiling ako. "I don't know anymore. " I don't even know if I could trust you, Scotty.

Sumunod na pumasok si Scotty sa kanila. Nang kaming dalawa na lang ni Burn ang natira sa balkonahe, lumingon siya sa akin.

"Savi, umalis na tayo rito. Mas ligtas ka kung lalayo ka sa kanilang lahat. Hindi pa natin nakukumpirma kung si Liam nga ba talaga ang kalaban."

"Burn--" I paused and looked around to see if anyone could hear us. "Trick, hindi ako lalayo sa kanilang lahat. Hindi ko pwedeng layuan ang lahat dahil lang sa isang masamang nilalang, kung meron man talaga. Alam ko kung ano ang ginagawa mo, pino-protektahan mo ako at nagpapasalamat ako sa iyo, pero hindi mo kailangang gawin ito. Kaya ko ang sarili ko."

Kunot-noo siyang umiling. "Hindi. Tutulong ako."

"Bakit?" nakunot din ang aking noo. "Trick, nakuha mo na ang gusto mo. Tao ka na. Sa yaman ng pamilya ni Burn, pwedeng-pwede ka nang magpakalayo-layo rito. Hindi ba't isa rin naman ito sa mga rason kung ba't ka naging tao? Para makaalis sa lugar na 'to? Kung ang sikreto mo ang inaalala mo, 'wag kang mag-alala kasi hangga't sa wala kang ginagawang masama, hindi ko sasabihin sa iba."

Mabilis na umiling si Burn habang nakatagis ang bagang. "Mananatili ako rito at po-protektahan kita, ipagsigawan mo man kung ano ang nangyari kay Burn."

Hunyango (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon