Chapter Three

339 8 0
                                    

Isang linggo bago ang double-wedding nina Thea at Aya ay idinaos nila ang general rehearsal ng kasal. Abala ang mga staff ni Loise sa pag-finalize ng mga details ng kasal. Nasa Taal Batangas sila ngayon. Naroon ang napiling simbahan ng dalawang couples para sa kanilang memorable wedding.

Nakasalampak siya sa isang pew habang pinapasadahan ng basa ang line-up ng entourage. Isang set lang ang entourage ng kasal pero medyo marami ito kaya sumasakit ang ulo niya. Plus, ang daming request at changes ni Carvin na nagpupumilit pa rin ng engrandeng kasal kahit na ang gusto ng mapapangasawa nito ay simple lang. Lagi siyang napapagitnaan ng awayan ng mga ito. Akala nga niya ay hindi na mauuwi pa sa kasal sina Carvin at Thea dahil tuwing uupuan nila nina Aya ang details ng kasal, lagi na lang nagwo-walk out si Carvin.

Isa-isa ng dumating ang mga abay para sa rehearsals. Mula sa kinatatayuan niya ay naabot ng tingin niya ang dalawang couples na abala sa pag-aasikaso sa mga abay ng kasal. Naka-move na talaga siya ngayon. Nakatulong marahil sa kanya ang makita ang lambingan nina Lem at Aya habang inaayos nila ang kasal ng mga ito.

Nang bumaling siya kina Carvin ay nakita niya si Choco ilang metro ang layo sa mga ito. Mataman lang itong nakatingin kay Thea. Mukhang nahuhusto na lang ito sa tingin. Ewan ba niya kung bakit isinama pa ito ni Thea sa entourage gayong naba-bad trip ang mapapangasawa nito kapag nakikita si Choco. May selos issue pala ang mga ito noon pa.

"Ma'am, eto na iyong lists ng flowers na gagamitin natin dito sa simbahan at sa reception." Iniabot sa kanya ni May ang ilang piraso ng papel. "Iyong caterer dadaan din dito mamaya."

"Okay sige, asikasuhin n'yo na ni Russel ang entourage." Iniwan na siya nito.

Binabasa na niya ang list ng mga bulaklak nang biglang tinabihan siya ni Choco. Sa di niya mawaring dahilan ay tila kumabog ata ang puso niya. Bakit na naman ba?

"Hello, it's been nine months ah. Di ka na nagpakita sa akin. Akala ko pa naman eh tatawagan mo ako dahil naibigay ko na naman ang number ko sa 'yo," sabi ni Choco.

"At bakit kita tatawagan? Shafe naman ako at nakakulong na ang akyat bahay gang na iyon di ba?" sagot niya. Sumabit pa sa dila niya ang letter S dahil sa bago niyang braces. Sumimangot ito. "May problema ka ba?"

"Wala."

Problema ng tsokolateng ito!

"Anong nangyari sa 'yo? Bakit ganyan ka magsalita?" kunot-noong tanong nito. Nginitian niya ito ng abot tengang ngiti bilang sagot. "Great. Bagay sa iyo. Kelan pa iyan?"

"Lash week. Dami ko nga shingaw. Kaya nga inaashar ako nina Hyde."

"Hay naku, okay lang iyan. Pabayaan mo sila." Nilingon nito ang direction nina Hyde at napahinto ang atensyon nito kay Thea.

"Hoy, shinabihan na kita ha. 'Wag mo pagnashaan si Thea. Ikakashal na nga o."

"Nagsalita ang hindi nagnanasa sa groom na iyon." Itinuro nito si Lem.

Nagulat siya. Kung ganon, inoobserbahan din pala siya nito. "Hoy, hindi ko siya pinagnanashaan ah. Tumitingin lang ako."

Bumuntong-hininga ito. "Kaibigan ko rin lang si Thea. At may mata akong may karapatang tumingin. Pero hindi ako nagnanasa sa kanya. Kaya tumahimik ka na lang dyan."

"Ikaw nga itong nanggugulo sa akin ano!"

"Bakit nakakagulo ba ako?" He suddenly moved closer to her. Nakalimutan niya ata ang huminga nang biglang ngumiti ito at mataman siyang tinitigan. "Try kaya nating mag-date one time para di na natin sila maisip?" pangisi-ngising sambit nito. "Ano sa tingin mo?"

"Alam mo ba iyang pinagsashabi mo? Eh may shapi ka ata eh. Kung makahirit ka dyan feeling mo close tayo? Magbabasbash ka na nga sha pari do'n sa loob." Grabe hirap na ako sha shingaw ko! Pati utak ko nabubulol na rin!

Tumawa lang ito pagkatapos ay umayos ng upo ngunit nanatiling nakatitig sa kanya. "Ang cute mo talaga, shige nga. Kaushapin mo nga ako." Ginagaya na nito ang pagkabulol niya sa esh-S.

Tumayo siya. Nagpapadyak siya sa inis. Bumunot siya ng limang piso sa bulsa at inabot dito. "Iyan, limang pisho!"

"Wow, thank you. Anong gagawin ko dito?" kunot-noong tanong nito.

Nahila niya ang sariling buhok sa panggigigil. "Puwede ba lubayan mo muna ako. As you can shee... see, marami akong inaasikasho. Pumunta ka do'n sa kanto at humanap ka ng kaushap mo!"

Tumalikod na siya para puntahan sina Aya at Thea at para makalayo na sa panggulong si Choco pero hinabol pa rin siya nito. Huminto siya sa may altar.

"Ano na naman?" untag niya.

"Limang piso lang ito. Seven pesos na ang pamasahe sa jeep ngayon," sabi nito.

Napatingin siya sa malaking krus sa may altar. Lord, patawarin Nyo ako kung...kung...Argh!!! Ayokong makapatay! Bumunot siya ng limang piso sa kabilang bulsa at idinutdot iyon sa noo nito. "O ayan, shiguro naman lulubayan mo na ako. Sobra na iyan sa pamashahe mo."

"Teka, anong gagawin ko sa sukli?" pigil ulit nito sa kanya.

Pinatong niya sa altar ang hawak na folder. Hinawakan niya ang buhok nito at marahang sinabunutan ito gamit ang dalawang kamay niya. "Lunukin mo kung gushto mo!" Itinulak niya ito pababa ng altar. "Get out!!"

"Aray ko naman!" angal nito.

"Oy, ang sweet naman nila," sabi ni Hyde.

"Yihi! In fairness, pwede!" hirit ni Setty.

"Ma'am. Bagay kayo!" sigaw ng secretary niya.

"Nakakaamoy kami ng love story," hirit pa ng isang tauhan niya.

Doon lang niya napansin na may nanonood pala sa kanila. Tila napasong binitawan niya si Choco na tila natutuwa pa sa nangyayari. Tinukso na sila ng lahat ng naroon pero pangiti-ngiti lang ang kumag. Napatalikod na lang siya sa hiya.

"Loise...." Nilapitan siya ulit ni Choco.

"Choco! Labash!"

"What? Bagay daw tayo kaya dito na lang ako sa tabi mo."

Binalingan niya ito at itinulak papalabas ng simbahan. "Right there." Binalingan niya ang ibang tao roon. "Hindi ako ang bride kaya 'wag kayong ganyan, puwede. Simulan na nga ang rehearsal," mando niya.

Kilig Republic: The Closet I Got For You (Published by Psicom Publishing, Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon