Chapter Nine

264 8 0
                                    


"Oh, hija. Good morning!" bungad sa kanya ni Trishianna. "Choco is in his room. You can just trespass in his private territory," biro pa nito.

"Ho?" Napapangiti na lang siya sa sinabi ng ginang. Susme! Papasukin niya ang kwarto ni Choco ng walang paalam dito. Hindi niya ma-imagine kung ano ang aabutan niya sa kwarto nito. Paano kung....

Tumawa ang ginang. "Don't worry, hija. Hindi natutulog ng hubad ang apo ko. You will never see anything that will damage your innocent eyes."

"Ah...Okay po," alanganing-nahihiyang tugon niya. Mabuti naman at hindi madudungisan ang inosenteng mata at isipan niya. "Ah, Lola Trishianna, natanong n'yo na po ba kay Choco iyong tungkol sa mga gamit niya sa closet?"

"Iyon? Hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko tungkol do'n. Ang sabi lang niya, darating ang tamang panahon at malalaman ko rin."

"Ewan ko ba naman dyan sa apo n'yo. Pa-mysterious effect pang nalalaman. At super matampuhin," sambit niya.

"Yeah, I agree. May tampo na naman sa iyo ang batang iyon? Himala kasing ilang araw na rin na hindi ka niya nababanggit. And that's unusual. Palagi ka niyang bukang-bibig mula ng magkakilala kayo."

Kumabog bigla ang puso niya sa sinabi ni Trishianna.

Di ba kapag palagi mong iniisip at bukang-bibig ang isang tao ibig sabihin importante siya sa iyo? Ibig sabihin, importante ako sa kanya! Sa isiping iyon ay napangiti siya.

Nginitian siya ng ginang. "You better go ahead and see him."

Huminga muna siya ng maluwag bago niya pinihit ang seradura ng pinto. Agad niyang namataan si Choco na nakaupo sa kama. Nakasandal ang likod nito sa head rest ng kama at abala ito sa paggagantsilyo. Pink at yellow na crochet thread ang nakakalat sa kama. Pumapailanlang sa kwarto nito ang mga piano versions ng mga sikat na love songs mula sa built-in sound system sa kwarto nito. Kung iisipin ay romantic ang ambience sa kwarto na iyon pero alam niyang hindi magiging romantic iyon dahil sa kanilang dalawa. Galit nga pala ito sa kanya. Nakakahiya naman sa isang ito! Kalalaking tao ay marunong ng mga ganito samantalang ako ni simpleng pagtatahi ay hindi ko alam.

"Hi!" bati niya.

Nang mapansin siya nito ay agad nitong binitawan ang ginagantsilyo, humiga ito at nagtalukbong ng kumot.

"What the hell are you doing here?" tanong nito sa pagalit na tono. "Bakit basta ka na lang pumasok sa kwarto ko? Ni hindi ka man lang kumatok. Di ka ba natatakot kung ano'ng puwede mong makita. Kwarto ito ng lalaki!"

"Una po sa lahat, hindi ako galing sa hell. Pangalawa, hindi naman ito mukhang hell. Pangatlo, sabi ng lola mo, hindi ka naman daw hubad matulog kaya hindi mada-damage ang kainosentehan ko at I go ahead and see you daw."

"Ano bang ginagawa mo dito?" matabang na tanong nito.

"For your information, nanliligaw po ako. Ayoko kasing makulong. Kaya tumayo ka na diyan, manligo ka at magde-date tayo."

Hindi ito gumalaw kaya niyugyog niya ito at pinilit niyang agawin ang kumot nito. "Hindi mo ba ako narinig? Magde-date tayo kaya bumangon ka na riyan."

Inagaw ulit nito ang kumot sa kanya at itinalukbong ulit ito. "Tinatamad ako, bukas na lang."

"Hindi puwede. Ngayon na." Nahagip niya ang braso nito. Hinila niya iyon. "Bangon!"

Kilig Republic: The Closet I Got For You (Published by Psicom Publishing, Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon