Chapter Ten

543 17 2
                                    


"Oy, pinagbabawalan ko kayo ni Choco na ma-late ha. Maraming naghihintay sa inyo sa opening ng photo exhibit ko. Aba, ang dami na ngang nagtatanong sa akin kung saan lupalop ko daw kayo nakilala. Maraming naiintriga kung mag-boyfriend ba daw kayo o hindi," litanya ni Chandy sa kabilang linya ng telepono. "Sabi ko sa iyo eh, panalo ang romantic scene n'yo ni Choco."

Kasalukuyang inaayos niya ang detalye ng solo concert ng Thunderkizz Band. Siya ang kinuhang event coordinator ni Choco para sa school event na iyon. It supposed to be a Graduation Ball pero mas pinili ng mga graduates na mag-host na lang ng informal party para sa mga estudyante. High school students nga naman. Natural na piliin ng mga bata ang makipag-rock-rock-an kaysa ang magsuot ng gown at suits.

"Oo na. Naiintidihan ko po iyon. Nakausap mo na ba si Choco?"

"Oo. Kayo na ang bahala basta darating kayo ha. Sige na, dumadami na ang customers ko dito sa resto. Si Florenz kasi, nag-AWOL na naman para makipag-date sa asawa niya."

"Okay. Hayaan mo na ang kapatid mo. Sadyang ganyan 'pag in love."

May ilang oras pa siya bago ang opening ng exhibit ni Chandy. Napagkasunduan na rin nila ni Choco na magkikita na lang sila sa venue ng exhibit. Maghapong hindi nagpaparamdam ito. Marahil ay abala rin siguro ito sa trabaho o kaya naman sa pag-aasikaso na rin ng concert ng official band ng Zeus-Apollo Academy.

Matapos ang date nila ni Choco noong isang linggo ay nakumbinsi na nila ang lola nito tungkol sa gender nito. Sa wakas ay wala na sa panganib ang pagiging principal nito. Hindi na mawawala dito ang pinakamamahal na school. At kahit iniisip pa rin niya ang tungkol sa laman ng closet nito, hindi na niya iyon pinag-uukulan ng masyadong pansin. Hihintayin na lang niya na ito na ang kusang magkwento sa kanya ng mga bagay na iyon.

Nauna siyang dumating sa venue. Kung tutuusin ay late na nga siya sa usapang oras nila ni Choco. Pero wala pa rin siyang maaninag ni anino nito. Nasa'n na kaya ang isang iyon?

Hanggang sa magsimula na ang opening ceremony at wala pa rin si Choco. Tinawagan niya ito pero unattended ang cellphone nito at wala ring nasagot sa landline nito sa opisina. Mag-isa lang tuloy siyang humarap sa mga intrigerong dumalo sa exhibit ni Chandy. Masyadong abala sa pag-aasikaso sa mga dumalo si Chandy kaya hindi rin sila magkausap ng matagal.

Bakit wala pa ang lalaking iyon? Nag-aalala na siya. Hanggang sa may naisip siya. Hindi kaya ginagantihan na siya ni Choco? Hindi kaya pinaparamdam na nito sa kanya ang naramdaman nito nang hindi siya sumipot noon sa class reunion na dinaluhan nito? No! hindi niya iyon gagawin sa akin. He's been so sweet nitong nakaraang araw kaya imposibleng gawin niya iyon! Tumututol ang isang parte ng utak niya. Pero paano kung ganon nga? Paano kung pinasakay lang pala siya nito at pagkatapos ay iniwan siya sa ere bilang ganti sa mga kasalanan niya dito?

Sinubukan niyang tawagan ito pero bigo pa rin siya. Mukhang tama nga ang hinala niya. Pinasakay siya nito sa sitwasyon at pinaniwala sa lahat ng lambing na pinakita nito sa kanya. Ang lahat ay nasa plano nitong gantihan siya. Pero hindi siya lubos makapaniwala. Ipinagtatanggol pa rin ito ng isang parte ng utak niya. Sa isiping iyon ay napaluha na lang siya. Lumingon siya sa paligid. Busy pa rin si Chandy. Kailangan niya ng kasagutan sa mga tanong sa isip niya. Umalis siya sa lugar na iyon.

Pumara siya ng jeep para pumunta sa bahay nito. Hindi siya papayag na matatapos ang gabing iyon na hindi man lang nalalaman ang totoo.

Agad siyang sinalubong ni Lola Trishianna.

"Magandang gabi po, 'La," bungad niya sa ginang.

"Akala ko magkasama kayo ni Choco ngayon. Ang aga nga niyang nag-ayos para sa pagpunta n'yo raw sa isang photo exhibit."

Kilig Republic: The Closet I Got For You (Published by Psicom Publishing, Inc.)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα