Chapter Five

300 12 0
                                    


"Ma'am Loise! Hinahanap ka ni Chandy. Ando'n siya sa receiving area," pang-iistorbo ng sekretarya niya sa kalagitnaan ng pag-aasikaso niya ng details para sa Miss Gay Los Baños na big event project ng firm.

"Sige, salamat."

Lumabas siya ng mini-office at naabutan si Chandy na nagbubuklat ng mga brochures.

"O, naligaw ka dito. May problema ba sa tsekeng binayad ko sa 'yo?" Ito ang may-ari ng restaurant na kinuha niyang caterer sa kasal nina Aya.

"Wala, na-deposit ko na iyon. Iba ang pakay ko dito," nakangiting sambit nito.

"Ano nga?"

Iniabot nito sa kanya ang isang brown envelop. "Look at those pictures."

Tumambad sa kanya ang mga picture nila ni Choco. Biglang kumabog ang dibdib niya. "O, so ano naman ang ibig sabihin ng mga pictures namin ni Choco sa pakay mo sa akin?" Binitawan na niya ang mga iyon. Pakiramdam niya ay sinusundan siya ng presence ni Choco. Iniiwas-iwasan pa man din niya ito. Kapag kasi naaalala niya si Choco ay iyong hamong kissing scene ang rumerehistro sa utak niya.

"Mare, please! Mag-pose kayo ni Papa Choco para sa Photo Exhibit ko sa university." Graduating Student ito sa pangalawang degree nito, AB Communication.

"What?! Ayoko!" Ayoko dahil baka singilin na niya iyong kiss. Ayoko pang mamatay!

"Sige na naman! When I saw your pictures noong kasal nina Aya, na-overwhelmed ako. Matagal na akong naghahanap ng subject for photo exhibit at kayo ni Choco ang nakitaan ko ng potential. You two are very promising!"

"Tigilan mo ako sa pambobola mo, ayoko," pagmamatigas niya.

"I'll pay for you."

"Kahit ibigay mo pa ang sarili mo sa akin, hindi ako papayag!"

"Hoy, girlaloo natotomboy ka na ata at gusto mo na akong patulan ngayon girlash ka!" Itinikwas nito sa hangin ang kamay. "Alam ko na, siguro natatakot kang magkita kayo ulit ni Papa Choco ano kasi... kasi baka singilin ka na niya sa utang mong halik. Bakit kasi hindi mo pa sinabi sa kanya na ikaw naman talaga ang humalik sa kanya at hindi ako."

"Cut it down, Chandy. Lalo akong hindi papayag!" Inilatag nito sa lamiseta ang isang kahon ng chocolate cake at isang kahon ng Cadburry. Napabuntong-hininga siya. Nakalimutan niyang alam ni Chandy ang kahinaan niya.

"Hihindi ka pa rin, darling?" nakangising tanong nito.

Nag-isip siyang mabuti. Chocolate, chocolate... mas mahalaga ang chocolate kaysa sa buhay ko! Deal. "Ang daya mo, you're using my weakness. Ilang pictures ba ang kailangan mong i-shoot sa amin?"

Napangiti ito. "Thirty lang naman."

"O siya siya. Dalhan mo ulit ako ng chocolate ha pagkatapos ng pictorial ek-ek na iyan." Dinampot niya ang isa sa picture. "Akin na lang ito. Souvenir!"

"Sure."

ACADEMY ng mga Greek Gods, here I am again! Pumunta na siya sa Zeus-Apollo Academy para hanapin ang bandang Thunderkids o Thunderkish...Ah basta iyong may thunder. Hindi na niya matandaan kung ano ang tamang pangalan ng banda dahil nagmamadali si Carvin nang i-recommend nito sa kanya ang banda ng pamangkin nito para tumugtog sa Miss Gay Los Baños.

Kasalukuyan siyang naglalakad sa hallway ng mga classrooms nang marinig niya ang tunog ng piano sa di kalayuan. Familiar sa kanya ang tinutugtog ng kung sino mang pianista. In fact, isa iyon sa mga paborito niyang kanta kahit hindi niya maintindihan ang lyrics dahil Japanese iyon, First Love by Utada Hikaru. Ang lamyos ng dating ng bawat nota mula sa piano. Naengganyo tuloy siyang hanapin ang pinanggagalingan noon.

Kilig Republic: The Closet I Got For You (Published by Psicom Publishing, Inc.)Where stories live. Discover now