Chapter Eight

236 10 2
                                    


"Ah, this is heybeyn!" hirit ni Loise sa pagitan ng pagsubo ng cake. Sarap na sarap siya sa pagkain ng chocolate cake na inihain ni Choco sa kanya nang makarating siya sa opisina nitosa Zeus-Apollo Academy. I love you na talaga Choco!

Nakaupo sila sa sofa. "Dahan-dahan sa pagsubo baka masamid ka. O heto, iced tea." Iniabot nito sa kanya ang isang basong iced tea.

"Thanks." Tinanggap niya ang baso at uminom. Inilapag niya sa lamiseta ang platito na pinaglagyan ng cake at ang baso. Hinarap niya si Choco. Sa sobrang haling niya sa cake, muntik na niyang makalimutan ang dahilan ng pagsugod niya sa school. "I talked to your grandma."

Natigilan ito at inilapag na rin sa lamiseta ang hawak na platito. "Naniwala na ba siya? Na-convince mo ba siya na 'wag ng iaalis sa management ko ang school?" sunud-sunod na tanong nito.

"Not that...really." Isinubsob nito ang mukha sa hawak na throw pillow. "Sabi niya, naniwala siya sa sinabi ko pero may gumugulo pa rin sa isip niya. Still there's a doubt."

Tumunghay ito. "Doubt?"

"May itatanong ako sa iyo. May kinalaman ito sa doubt ng lola mo. Bakit nagtatago ka ng mga damit, pabango at ilang gamit na pambabae sa closet mo?"

Natigilan ito. "How did you know about that?"

"Ipinakita ni Lola Trishianna. Nagtataka daw siya kung bakit meron kang ganon sa kwarto mo. Kaya kahit naniniwala siya na hindi ka bading, may bahagi ng utak niya ang nagsasabi na may posibilidad na bading ka nga."

"I'm not gay! You know that!" Binalingan niya ito and he looked like a bit frustrated. Nakasalalay nga naman sa Plan A nila ang kinabukasan ng pagiging school administrator nito.

"Yeah, would you mind to answer the question? Na-shocked ako nang makita ko ang mga iyon. Dapat sinabi mo sa akin iyon para nakagawa ako ng depensa. So bakit?"

"Complicated," tugon nito sabay iwas ng tingin.

"Answer! I want relevant answer!"

"Complicated. I'm not ready yet to answer that question!' Nagtaas na ito ng tono.

Napikon na siya. "O baka naman talagang bading ka kaya ganyan ka na lang matakot. Choco, paano kita matutulungan kung may tinatago ka sa akin? Nakakapikon ka na!"

Tiningnan siya nito ng masama. "Look. Nabibingi na ako sa pamimilit n'yo na bading ako. And you know what, it's really getting into my nerves. Baka nakakalimutan mong kasalanan mong lahat ito. Kung tutuusin, ang laki na ng atraso mo sa akin but I kept on ignoring. Pero napipikon na rin ako sa 'yo. I thought, naniniwala ka sa akin. I'm not gay kaya tigilan mo na nga ang paga-accuse sa akin. You're hurting me too much."

Nagulat na lang siya sa mga sinabi nito. Lagot. Nagtatampo na naman ito sa kanya. Tumayo ito at umupo sa mesa nito at hinarap na lang ang computer nito. Tumahimik na ang paligid. Naiwan siya sa sofa na naguguluhan pa rin sa mga pinagsasabi nito. Teka lang, ano nga bang nasabi ko?

Ilang minuto silang ganon hanggang sa magsalita ito.

"Salamat na lang sa tulong mo. You may go now. Ikaw pa man din ang inaasahan ko na kaisa-isang tao na buo ang paniniwala sa akin tapos maririnig ko rin ang pagdududa mo. It's really painful, Loise," malamyang litanya nito.

Ano ba iyan?! Pakiramdam ko ang sama-sama ko naman! Nilapitan niya ito pero hindi ito nag-aksaya ng panahon para balingan siya. Ah! Nasasaktan na rin ako! "Suencho, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sagiin ang ego mo." Napapikit siya nang balingan siya nito.

"What? Akala mo ba ego lang iyon? Pagkatao ko na ang pinag-uusapan dito."

Nakagat niya ang kanyang labi nang dahan-dahan niyang imulat ang mga mata. Pinipigilan niyang maiyak. "Sorry, that's me and my big mouth alright." Hindi ito umimik. "Choco, I'm sorry talaga, 'wag mo naman akong tratuhin ng ganito." Inabala pa lalo nito ang sarili sa kung anong ginagawa sa computer. "You're hurting, and I'm hurting, too. Alam ko naman kung gaano mo kamahal ang school na ito. Oo guilty ako, kasalanan ko nga lahat. Sige pumapayag na ako. Ipakulong mo na lang ako. Ayoko lang na may taong galit sa akin." Sinabi lang niya iyon pero takot siyang makulong.

Binuksan niya ang pinto. Papalabas na siya nang marinig niyang tinawag nito ang pangalan niya. Nabuhayan siya ng loob na mapapatawad pa siya nito. Hindi siya lumingon. Hinintay muna niya ang sasabihin nito.

"Court me, then your forgiven."

Tumalon na ata sa kabilang building ang puso niya nang marinig ang sinabi nito. Ano iyon? Ako ang manliligaw sa kanya? Duh?

Exaggerated na nilingon niya ito. Seryoso lang ang mukha nito habang nagta-type sa keyboard ng computer.

"Do it, at pag-iisipan ko kung patatawarin pa kita. O kung ayaw mo, see you at the trial court na lang."

Hindiniya sinagot ang sinabi nito. Nagmadali siyang lumabas sa opisina nito.Naguguluhan kasi siya sa mga napag-usapan nila. Di nga siya sigurado kung tamaang pagkakarinig niya na siya ang manliligaw dito para mapatawad siya nito.

Kilig Republic: The Closet I Got For You (Published by Psicom Publishing, Inc.)Where stories live. Discover now