Chapter 1

59.6K 1.4K 698
                                    

Margarette's PoV:

Nandito na naman ako sa bar. Tamang inom-inom lang muna. Walwal to the max ang peg ko ngayon.

Nag iisip-isip kung bakit hindi ako naging sapat sa boyfriend—— err... I mean, ex-boyfriend ko.

Oo, tama kayo nang pagkakabasa. Nag-eemote ako ngayon. Damn that Calix. Hindi nya mapigilan ang init sa kanyang katawan at lukso ng kanyang laman. Isa pa 'yang si Alice, ang mahadera kong bestfriend. May hint naman na siguro kayo sa nangyari noh.

Hindi ko maiwasang maalala ang tagpo naming tatlo. Pwedeng-pwede na kami sigurong pumasa bilang artista dahil sa nangyari sa aming tatlo.

Tapos ako 'yung kontrabida sa love story nila. Kikita ako ng malaki non.

Ang saya-saya talaga *insert sarcastic laugh*.

F L A S H B A C K

Hmm... nakapagtataka naman. I was calling Calix for a matter of 30 times but hindi nya pa rin sinasagot ang tawag ko. It's our 3rd monthsary today.

For the past months ay mas lalo ko syang minahal. He is my ultimate crush since then. Alam 'yon ni Alice, ang bestfriend ko. Kaya nga parang dream come true noong niligawan nya ako.

Hindi na ako nag-atubili pa at sinagot na rin sya matapos ang isang linggo nyang panliligaw. Mahirap na noh. Baka mamaya ay makahanap ng iba. Sayang naman.

Maraming sabi-sabi akong naririnig na si Calix ay isang playboy dahil na rin sa marami na syang naging girlfriend pero sa tingin ko naman ay nagbago na sya. Ang sweet nya kaya sa akin. And nirerespeto nya ako. Halos nasa kanya na ang lahat eh. Ako na lang ang kulang. Kaya nga grabe ang pagkahulog ko sa kanya eh.

I decided na magpunta na lang sa condo nya since Saturday naman ngayon. Walang akong masyadong ginagawa.

I brought some cake for us. Siguro ay naghahanda sya ng surprise para sa monthsary namin kaya hindi sya sumasagot. He loves surprise kasi. Hindi ko maiwasang kiligin sa aking naisip.

Masaya akong naglalakad sa condo nya. Alam ko naman ang passcode kaya madali lang makapasok. Pagpasok ko palang ay nakita ko na ang mga nagkalat na damit.

Hays, ano ba 'yan? Ang burara naman ng boyfie ko. Bakit may t-shirt sya rito na nakakalat lang? Hindi na naman siguro naglinis ang isang 'yon.

Nakakita rin ako ng bra sa sahig at hindi ko maiwasang kabahan. Pwe. Baka naman dumating lang dito ang ate nya kaya ganon.

Tama, Margarette. Huwag kang mag-iisip ng masama kay Calix.

I heard a moan sa bedroom ni Calix. Mas lalong nadagdagan ang kaba ko.

Wait lang, Margarette. Baka naman nagzuzumba lang silang dalawa kaya ganon. Oo nga, baka ganon nga lang.

Nakaawang nang kaunti ang pintuan kaya sumilip ako para na rin masagot ang mga tanong ko sa aking isipin.

Ngunit sana pala ay hindi na ako sumilip pa. Unti-unting naglaglagan ang mga luha sa aking mata. Hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan.

I just saw my boyfriend banging my bestfriend....

Nabitawan ko ang dala kong cake na nagpatigil sa ginagawa nilang dalawa. Napatakip ako sa aking bibig. Nagtama ang mata namin. Halatang-halata ang gulat sa mga mata ni Calix. Fuck him for doing this to me.

"B-Babe, let m-me explain." What the? Anong explain-explain? Hindi pa ba sapat 'yung nakita ko? Pero syempre, I let him to explain his side.

I heaved a sigh and tried to control myself from doing anything.

"Alam mo naman na lalaki ako. May pangangailangan rin ako. Hindi mo 'yun kayang ibigay. First kiss mo nga, hindi mo maibigay sa ak——" Hindi ko na sya pinatapos pang magsalita. Sinampal ko na sya agad.

My chest keeps on rising. Bumibigat ang aking paghinga dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko.

How dare he?! At talagang nagpaubaya sya sa libido ng katawan nya huh? That's bullshit. Mabuti na lang talaga at hindi ako bumigay sa kanya.

"I get it now. Let's break up. Oh... and happy 3rd monthsary, jerk."

E N D

Oh diba? He's really a jerk. Aish. For the past few days, nandito lang ako sa bar. Nag-iinom, nagliliwaliw, at nagpapakasaya para makalikutan sya.

Syempre, masakit. Nasaktan din ako. First love at first boyfriend ko rin ang isang 'yon. Tapos 'yung bestfriend ko pa, nakisabay din. Anyways, wala namang maghahanap sa akin dahil nasa ibang bansa sina Mom and Dad.

Mga lalaki talaga, hindi na nagbago. Kapag manloloko, manloloko pa rin kahit anong gawin mo. Tsk.

I think, tama na siguro itong ginagawa ko. Napapabayaan ko na ang sarili ko dahil sa nangyari. This will be the last. I need to start moving forward.

Mabuti na lang at nagfile na rin ako ng transfer papers. Magtatransfer ako into a new school for a fresh start. And ang napili ko ay Sarxel University.

Marami-rami rin ang tao rito sa bar. Marami na rin ang nagtanong kung pwede raw bang makiupo sa table ko. Mapababae man o lalake. Pero mas marami ang babaeng nagtatanong. Pinapaalis ko rin naman agad ang mga 'yon dahil nakakairita sila.

Alam ko na ang galawan nila. Atsaka, wala akong talong. Hmp.

Nilapitan ako ni Xyzrielle para balaan na wag masyadong maglasing at ayaw nya raw na iuwi ulit ako. Isang tango ang sinagot ko sa kanya.

Anyways, si Xyzrielle nga pala ang nag-uwi sa akin one time noong nalasing ako ng todo. And super thankful ako sa kanya dahil hindi nya ako pinabayaan.

Medyo tipsy na rin ako but I decided to join the dance floor. Sayang naman ang gabi kung magmumukmok lang ako sa isang tabi. I can sense na maraming napapatingin sa akin. I'm aware that I'm a head-turner. Well, bahala sila riyan. Hindi ko sila papansinin.

I started enjoying the hyper crowd. Grabe. Party-party na talaga. This is what I need right now.

Natigil lang ang pagsayaw ko nang may naramdaman akong nakahawak sa aking braso. Agad kong tinignan ang may-ari ng kamay na ito. Baka kasi mamaya ay isang manyak na lalaki. Tuhod ang aabutin non sa akin.

But no, isang magandang babae ang sumalubong sa akin. As in sobrang ganda nya. Kinabog nya ako. Napakaperpekto ng kanyang mukha. Perpekto ang pagkakahulma ng kanyang kilay. Her eyes were was the most tantalizing pair of eyes that I had ever seen in my whole life. Her lips is red and it screams how sexy she is.

As our eyes met, I felt some butterflies in my stomach that I cannot explain. Lasing lang siguro ako.

I smiled at her and she smiled at me back. Damn. Sobrang ganda nya talaga. Parang natulala ako bigla. I'm mesmerized with her beauty.

I snapped into reality when I realized something. Ayokong magmukhang weird kaya itinuloy ko na lang ang pagsayaw. She also did the same. We're enjoying the beat. And for an unknown reason, masaya ako sa ginagawa naming dalawa.

"Hey, can you accompany me to the nearest restroom?" Tanong ni Ganda. Gosh. Hindi naman ako nainform na foreigner pala ang isang 'to. Mapapasabak ata ako sa englishan.

"Yeah, sure. Let's go." I don't want to sound rude to her. Atsaka, baka kasi mamaya ay may makasalubong syang bastos papunta roon. Mahirap na lalo na't agaw-pansin pa naman ang babaeng ito.

Dahan-dahan kong ipinulupot ang aking kamay sa kanyang maliit na beywang. I held her waist to support her. Wala akong narinig na pagtutol mula sa kanya.

_____//_____

Edited - you might have noticed na nawala ang ilang mga comments sa chapter na 'to.

University Series : Stacey Desire ZuluetaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon